Ramdam ang Kaunlaran

May 9th, 2008 by pokemonstriker

"Ramdam ang Kaunlaran", ang mga katagang mababasa sa mga latest na posters / streamers ng ating pangulo… Madami kang makikitang iba pang kataga na aakalain mong comedy dahil tila wala namang katotohanan, at ang nakakainis pa nito, buwis ng bayan ang ginagamit para sa pag papagawa ng kalintikang poster na ito…

Sa totoo lang marami pang version yang mga poster na yan, di ko lang matandaan yung iba eh, merong "pagkain sa bawat mesa" etcetera etcetera… Makikita ang mga tinamaan ng magaling na poster na ito along Roxas Blvd, at sa buong LRT Line 1.

Bakit ba kailangan pang mag pagawa naman ng mga poster na ganito? nakakatulong ba to sa kaunlaran ng bansa? E sa tuwing nakikita ko ang mga poster na ito naiinis lang ako kasi naiisip ko na yung tax na binayaran ko nung kumain ako sa Jollibee eh dito lang sa walang kwentang bagay napupunta.

Isa pang bagay, may mga TV ads version din ang mga poster na to, bwisit talaga. Pinagmamalaki sa mga TV ads na ito na tumataas ang GDP ng Pilipinas bawat taon dahil sa kanyang pamamalakad… Hayaan nyong ipaliwanag ko ang pag taas ng GDP ayon sa aking sariling pananaw. Maaaring mali ako dahil hindi naman ako ekonomista, pero, basta, gusto ko ipaliwanag eh…. hehe.

Dahil sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas, maraming pinoy ang umalis ng ating bansa para sa ibang bansa mag hanap buhay… At dahil maraming umalis ng Pinas, maraming nag reremit ng Dollar sa Pinas… At sa pagkakaalam ko, pag maraming dollar na pumapasok sa pinas, mas tumataas ang GDP, ewan ko, basta ganun pag kakaintindi ko… To make things short: Pag mas maraming remitances, mas gumaganda ang lagay ng Piso kontra dolyar…

Ang nakakatawa nito, Madam president is taking all the credit for what the OFW has done for our country, instead of giving the credit to them. (English! Papa cheese burger ako…). Bakit mo aakuin ang ginawa ng iba para sayo? hehe. eh kaya nga sila pumupunta ng ibang bansa eh dahil sa kahirapan ng buhay dito, tas ipag mamalaki sa TV ads na gumaganda ang ekonomiya? hehe. Comedy talaga.

Isa pa nga pala tong si Bayani Fernando, muntik ko nang makalimutan… Yung mga poster mo po, mas malaki pa yung picture mo kesa dun sa mensahe sa mga poster ng MMDA. Na sa tingin ko eh ni hindi naman makakatulong sa kaayusan ng Metro Manila… Hindi obvious na tatakbo ka sa 2010 election.

Moral Lesson:
"Wag gumawa ng blog entry pag gutom na gutom ka na… Walang kwentang bagay ang mga masasabi mo" -Kian the Menace

Loveless…

May 3rd, 2008 by pokemonstriker

Prologue (Poem)
When the war of the beasts brings about the world’s end
The goddess descends from the sky
Wings of light and dark spread afar
She guides us to bliss, her gift everlasting

Prologue (Interpreted)
When the war of the beasts brings about the world’s end
The goddess descends from the sky

Wings of light and dark spread afar
She guides us to bliss, her gift everlasting

Act I (Poem)
Infinite in mystery is the gift of the goddess
We seek it thus, and take it to the sky
Ripples form on the water’s surface
The wandering soul knows no rest.

Act I (Interpreted)
The infinite mystery
The gift of the goddess is what the three men seek
But their fates are scattered by war

One becomes a hero, one wanders the land
And the last is taken prisoner

But the three are still bound by a solemn oath
To seek the answer together, once again

Act II (Poem)
There is no hate, only joy
For you are beloved by the goddess
Hero of the dawn, Healer of worlds

Dreams of the morrow hath the shattered soul
Pride is lost
Wings stripped away, the end is nigh

Act II (Interpreted)
Though the prisoner escapes, he is gravely wounded
His life is saved, however
By a woman of the opposing nation

He begins a life of seclusion with her
Which seems to hold the promise of eternal bliss

But as happiness grows, so does guilt
Of not fulfilling the oath to his friends

Act III (Poem)
My friend, do you fly away now?
To a world that abhors you and I?
All that awaits you is a somber morrow
No matter where the winds may blow

My friend, your desire
Is the bringer of life, the gift of the goddess

Even if the morrow is barren of promises
Nothing shall forestall my return

Act III (Interpreted)
As the war sends the world hurtling towards destruction
The prisoner departs with his newfound love
And embarks on a new journey

He is guided by hope that the gift will bring bliss
And the oath that he swore to his friends

Though no oath is shared between the lovers
In their hearts they know they will meet again

Act IV (Poem)
My friend, the fates are cruel
There are no dreams, no honor remains
The arrow has left the bow of the goddess

My soul, corrupted by vengeance
Hath endured torment, to find the end of the journey
In my own salvation
And your eternal slumber

Legend shall speak
Of sacrifice at world’s end
The wind sails over the water’s surface
Quietly, but surely

Act V (Poem)
Even if the morrow is barren of promises
Nothing shall forestall my return
To become the dew that quenches the land
To spare the sands, the seas, the skies
I offer thee this silent sacrifice

Ang babae sa TV… Vow…

March 3rd, 2008 by pokemonstriker

Isang gabi, habang ako ay nag lalaro ng PSP, may isang "speech" na narinig ko sa TV ang nag papantig sa tenga ko… Ang sabi ng boses ng babae: "Huwag daanin sa chismis ang paninira sa akin, maglabas ng EBIDENSYA, at padaanin sa KORTE ang laban!"

Marahil, inyong naitatanong, ano naman kaya ang meron sa linyang ito na pinakawalan ng isang babae na nasa TV? Nakakatawa kasi… Parang hindi na siya nag isip kung dapat ba nyang sabihin yun o sinabi lang nya yun para makapag pasikat sa mga tao sa TRECE MARTIRES… Ano nga ba ang mali sa sinabi nyang yun? Himayin natin ang bawat salita…

"Huwag daanin sa CHISMIS"

Anu ba ang chismis? Yun bang nangurakot sila ng asawa nya ng katakutkakot mula sa kaban ng mamamayan? Chismis pa ba yun? Wala na kong masasabi pa dito…

"Maglabas ng EBIDENSYA"

Isang ka-GAGUHAN… Sinong tanga’t kalahating tarantado ang mag iiwan ng ebidensya kung mangungurakot ka? Mag iiwan ka ba ng isang kasulatan pag nangupit ka sa pera ng bayan? Diba wala namang resibo yun? Kung may ebidensya ang pangungurakot, mangilan ngilan nalang ang matitira sa kongreso, senado, at kung saang saang ahensya ng gobyerno ang matitira, malamang nahuli nang lahat at nakakulong na sila… At kung may resibo ang pangungupit, malamang nalaman na ng Mommy ko na kumuha ako ng bente pesos sa wallet nya kaninang umaga… Isa lang naman ang basehan ko ng katotohanan, ito ay ang kredebilidad ng isang testigo, testigong lalaki na iyak ng iyak… Na kahit na anong paikot-ikot na tanong eh masasabi mong hindi salu-salungat ang sagot… Hindi kagaya nung matabang leader ng pulis, at kanyang mga kasama… Nabubulol, nakakatawa lang pag sumagot…

"Idaan sa KORTE ang laban!"

Ito ang madalas na isinisigaw ng mga kaalyado at  ng anak ng babae sa TV… Bakit nga ba gusto nila na sa korte idaan ang laban at hindi sa senado? Ganito yan sa aking pananaw: Ang mga hahawak kasi ng kasong ito ay yun ding mga iniluklok nung babae sa TV, malinaw na may kontrol siya sa kahihinatnan ng kaso… At isa pang bagay, tulad ng nabanggit ko kanina, walang ebidensya kundi mga sinasabi ng isang lalaki na iyak ng iyak… Ang kailangan kasi ng korte, EBIDENSYA, hindi testimony lang. At dahil walang ebidensya, ibabasura ng korte ang kaso. Kaya talo nanaman ang taong bayan dito… At masaya nanaman ang babae sa TV…

Sa ibang dako naman, may naganap na rally sa Makati last Friday, at bago ang rally, nangako ang PNP na hindi nila haharangin ang lahat ng gustong mag rally sa Makati. Pero hindi ganun ang nangyari… Hinarang ng kapulisan ang mga estudyante na galing sa Cavite, hinarang nila ang mga galing ng laguna, at hinarang nila ang mga nanggaling sa NLEX at SLEX. At isang nakakatawa pang balita ang nabasa ko sa dyaryo, meron daw nasiraan na bus sa may Makati bago mag simula ang rally, ang nakakatawa dito, ang bus eh nakaharang HORIZONTALY sa gitna ng kalsada… Naparalisa tuloy ang traffic sa buong makati… Ayun, walang nakapasok na raliyista… Obvious na sinadya ito. At isa pa, Ginawa ng ATO (Air Transportation Office) na "No Fly Zone" ang Makati during the rally, hindi tuloy nakunan ng ABS CBN ang areal view ng rally… Obvious din na ayaw nila itong ipakita… Ang dahilan daw eh "For Safety Purposes" tangna nila.

Moral Lesson:

Power = Corruption

Absolute Power = Absolute Corruption

Kian: The Starstruck Survivor!

December 12th, 2007 by pokemonstriker

Bata: Nay, ano po ang tagalog ng STAR?

Nanay: … (mukhang nagiisip)

Bata: Nay, ano po yung tagalog ng star?

Nanay: Parol anak…parol…

Ang eksenang nasa itaas ay nangyari 40 minutes ago habang tinatype ko ang kabulastugang ito… Isang kawawang bata ang naturuan ng maling kaalaman ng kanyang magulang…

At dahil magpapasko nanaman, at narinig ko ang salitang PAROL, may naalala nanaman akong isang pahina ng aking buhay…

Ang kwento ay naganap sa Laguna, nung doon pa kami nakatira, ako ay nagaaral pa noon sa Colegio de San Pedro, at ako ay 1st year Highschool pa lamang.

Nagpauso ang school namin ng "Christmas Lantern Parade", na katatampukan ng mga hindi interesadong estudyanteng kagaya ko. Pero dahil utos ng matandang Principal ng school, dapat itong sundin… Kaya sa subject naming T.H.E., pinagawa kami ng sarili naming parol… At siyempre, bibilhin namin kay ma’am ang mga materials. 200% sure, may kickback sila.

Tinuruan naman kaming gumawa, ang problema, hindi talaga ako talentado pagdating sa art. Di ako marunong mag drawing, wala akong kwenta pagdating sa mga designs, etc.

Pinauwi samin ng titser ang materials at binigyan kami ng deadline, dapat bukas tapos na ang parol, tangina nyang titser siya. Na ikinatuwa ko naman dahil pwede akong matulungan ng aking mommy sa pag gawa. Solve na ang problema ko, pero mali ang aking akala…

Dumating ako sa bahay, at nagpatulong saking ina sa pag gawa. Siya ang gumawa nung buntot ng parol dahil hindi nga ako marunong.

BUNTOT NG PAROL: SOLVED!

Ang problema ko nalang ay ang parol mismo. At dito na nagsimula ang aking malungkot na istorya.

Kian: Mami, tulungan mo naman ako dito sa pagkakabit ng mga stick para maging star

Mommy: Ikaw na, Nanunuod ako ng "Saan Ka man Naroroon", magkikita na kasi sina Rosario, Rosenda, at Rosemarie!

Ginawa ko ang star, at tulad ng aking inaasahan, hindi talaga maganda ang kinalabasan. SHET! Hinayaan ko nalang ang frame ng parol na medyo paling… Sabi ko sa sarili ko. dadaanin ko nalang sa balat mismo nung parol. Ngunit, ayaw mabanat nung plastic na pampaganda sana sa parol. Shet talaga.

Kian: Mami, pano ba to? hindi ko mabanat yung plastic na pambalot sa parol! Lukot lukot!

Mommy: Antayin mo si dadi, baka alam niya…

So ayun… inantay ko si Daddy, at mya mya pa, bumusina na siya at pinagbuksan ko ng gate, at siya ay pumasok na ng bahay.

Kian: Dadi, marunong ka ba neto? Di ko kasi mabanat yung plastic na pambalot dito sa parol.

Daddy: Sus, yan lang simple lang yan, nung bata ako gumagawa ako nyan eh.

Kian: pano?

Daddy: pagkakatanda ko nilalagyan yan ng gawgaw…

Kian: huh?

Hanggang sa natulog na silang lahat. At narealize ko na wala akong maaasahan kundi sarili ko… So ayun. ginawa ko ang bulshet na parol… At ang kinalabasan ay isang star na paling, at ang balot neto na kulay green ay lukot lukot. In short, pwedeng idisplay sa harap ng bahay kung gusto mong maging comedy ang Christmas Display mo.

Kinabukasan, Christmas Lantern Parade na! So pumarada kami… Napansin ko, talagang napakapangit ng gawa ko. Sabi ng karamihan ng classmate ko, bumili lang daw sila, Taragis, bat ba di ko naisip yun. Tangina. Tas may isa pang mama na nadaanan namin sa parada, ang sabi sakin:

mama: Boy, parol ba yan? Haha

Kian: Fuck You! ..I.,

Mya mya pa, natapos din ang parade, at masaya kong tinapon ang parol, sa basurahan, sa harap mismo ng Principals office… Kawawa naman yung parol ko.

Moral Lesson:

"Pag pinagawa kayo ng parol ng titser mo, bumili ka nalang kagaya ng gagawin ng mga classmates mo…" - KianTheMenace

My Wallet… Vow…

December 4th, 2007 by pokemonstriker

Nais kong magkwento tungkol sa aking wallet… Ang wallet ko ay kulay black na Penshoppe, may kalumaan na ito, pagkakatanda ko 3rd year Highschool pa ko nung binili sakin ito ng aking inay… Ngayon, kung bubusisiin mo ang laman, marami ka ditong makikita:

  1. Ticket sa Mr. and Ms. PCU 2003 - Ticket na di ko malaman kung bakit tinatago ko pa
  2. Balat ng Maxx(red) - Bigay ata to nung crush ko noon na taga Dasma… Di ko alam na nandito pa pala ito, kaya tinapon ko na…
  3. Deposit Slip ng Equitable PCI
  4. Isang maliit na papel na naglalaman ng telephone number ng Landbank
  5. Dalawang ampao, mula pa nung last last Christmas, mula kay Ninang Ren Estrella, at yung isa walang nakalagay, di ko maalala kung sino me bigay.
  6. Clearance ng Computer Science Society (year 2005)
  7. Ticket ng "Raffle for a Cause"
  8. Resibong hindi ko na mabasa, kumupas na, malamang may sentimental value ito kaya nasa wallet ko. kaso di ko na talaga mabasa.
  9. Resibo ng tuition ko,2nd sem, year 2003. P 3,704.00 ang price
  10. Ticket ng bus, lumang luma na… di ko ma recall kung san ako papunta neto… malamang sa bulacan.
  11. 100 peso na load (Globe). Regalo sakin to ng aking Nanay Norma.
  12. 2×2 Picture ko na mukhang adik… taken 4th year HS palang ako. Kumupas na ang kulay kaya kumalat yung kulay ng damit kong color blue
  13. Nametag ko sa Christian Formation Retreat namin sa school. "Roel" ang pangalan ko.
  14. Resibo ng withrawal transaction ko nung unang sweldo ko sa Big-R, sa Pilipinas Bank ako nag withraw. Di ko na mabasa kung magkano ang winidraw ko.
  15. Ticket ng "True Faith" Concert sa school, dated February 28, 2003
  16. BPI Express Cash Card ko na Nag expire noong September 2006

Kian: The Stand Up Comedian

November 7th, 2007 by pokemonstriker

"… Isang maaliwalas na araw, naglalakad ako sa bayan ng Dasmariñas, may nakasalubong akong lalaking kalbo sa tapat ng Jollibee, may hawak siyang cellphone, at ito ay pilit na ibinibigay sakin, sabi ko agad sa sarili ko, ayus, naka - Jackpot ako! Agad kong kinuha ang cellphone, at sinubukang mag text… gumana naman, jackpot talaga! Inilagay ko sa bag ko ang cellphone at binalak na ipakita saking nanay… biglang  tumunog ang cellphone ng malakas, ang ringtone nito ay "We Are!", yung theme song ng One Piece…"

Shet! panaginip lang pala ang lahat… Alarm tone ko lang pala yung tumunog! Sayang ang cellphone… Nawala ng parang bula. Agad akong bumangon at mabilis na nag ayos, 4:15 am na pala nun, late na ko… Natapos akong mag ayos past 5:00 na, shet late na talaga… So ako ay naglakad, sumakay ng tricycle, and finally, nasa Dasma Bayan na ako para sumakay ng bus… Sa pag aantay ko ng bus, lahat ng dumadaan ay tayuan na, so no choice, kailangan kong tumayo para makarating agad sa office, at dito nanaman mag sisimula ang isang walang kwentang kabanata ng buhay ko…

Ako ay sumampa ng bus, at hinanda ang sarili sa mahabang pag tayo mula sa Dasma hannggang Vito Cruz. Napapwesto ako sa bandang gitna ng bus, nakatayo ako sa harapan ng dalawang girls na nag aaral sa Philippine Womens…

Nasa kalagitnaan na ko ng biyahe, napansin kong pigil na pigil ang tawa ng dalawa, sa di ko malamang kadahilanan, minsan naririnig ko ang bulungan nila, "uy, lilipad na… hihi…" talagang non-stop ang kanilang kasiyahan, habang ako ay tila nagdududa na kung ano ang kanilang pinagtatawanan, tila naisip ko, "Nakabukas ata ang zipper ko? lilipad na daw eh!", pero yon ay hindi pa confirmed…

Dumating ako sa Vito Cruz, pumasok sa office, at nag cr, sa awa naman ni Batman, bukas nga ang zipper ko… CONFIRMED… Shet…

Moral Lesson:

"Underneath your clothes, there’s an endless story…" -Shakira

Víspera de Todos los Santos Especial!

November 3rd, 2007 by pokemonstriker

Noong ako ay elementary pa lang, grades 1 to 3, ang buong klase namin ay pinagsusulat ng  titser (Grade 1 = Mrs Watson, Grade 2 =  Mrs. Malinis, Grade 3 =  Mrs. Janairo) ng mga bagay na pinag gagagawa namin sa nakaraang okasyon (Pasko, Bagong taon, Araw ng mga patay, etcetera…).  Nais kong ibalik ang panahong ako ay bata pa, kaya ako gumawa nanaman ng walang ka kwenta kwentang blog entry…

Sa istoryang ito, nais kong mag kwento tungkol sa mga nasaksihan kong mga bagay na humila saking atensyon… Sisimulan ko ito sa sementeryo sa guiguinto bulacan…

Tinawagan ko ang aking tita Nat-nat sa kanyang globe cellphone (8 pesos per minutes T_T) at sinabi nya na susunduin nya ko sa gate ng "Endless Love" cementery para mapuntahan ko ang puntod ng mahal nya sa buhay, at sa aking pag hihintay sa kanya sa gate, napansin ko na sangkatutak ang mga taong bihis na bihis… may mga Hip-hop, may naka jacket na akala mo eh me aircon sa sementeryo, may mga emo na kala mo eh kakukyut, at merong todo sa bihis na akala mo mamamasko. Para sa mababaw na katulad ko, kakaiba na ang tingin ko sa mga yun, kasi sementeryo lang naman ang pupuntahan at hindi party, hehe…

Dumating si tita, at kami ay pumasok na sa loob, may nakapaskil na banner sa harapan, "Bawal mag dala ng patalim, o anu mang bagay na makakasakit echos and chuvas", ngunit ilang hakbang pa lang ang nararating namin sa loob ng sementeryo, may nagtitinda ng "Pellet Gun". Nyahaha!

Matapos ang aking mabilis na dalaw sa Guiguinto, ako naman ay tumulak papuntang Pulilan, Bulacan… Pagbaba ko ng jeep sa kanto, madami agad tao, kasi malapit na dun yung sementeryo, lalong dumami nung nakarating ako malapit na mismo sa entrance, at takang taka ako, bakit hindi umuusad ang tao? nakakarinig na ko ng mga nagmumura sa bandang unahan, "Tang ina nyo! Tumabi muna kayo para makadaan yung mga tao!", sigaw ng isang mama sa unahan, mya mya pa eh umusad na ang mga tao papasok, nang makita ko kung ano yung nakaharang, isang nakakatawang mag ina ang nasa aking harapan. Si nanay, ay dala dalang salbabidang dolphin, at yung anak naman ay may dalang malaking bilog na salbabida… San kayang resort galing ang mga ito (o papunta), at anong ginagawa nila sa sementeryo? Dios Mio.

Ilang oras ang lumipas, nauhaw ako dahil sa init sa sementeryo, napag desisyunan kong bumili ng tubig… Pumunta ako sa isang tindahan, at bumili ng isang bote ng tubig, at tinanong ko kung pwedeng makahingi ng basong may yelo, sabi sakin piso daw ang isa… kumuha ang matandang tindera ng 3 baso, at kumuha ng yelo, gamit lamang ang kanyang garantisadong malinis na kamay, at nilagay sa baso… Shet.

At makalipas ulit ang ilang sandali, nagpabili naman ang aking inay ng sprite, ako ay bumili, hindi na ko dun bumili sa kinakamay yung yelo, tapos humingi ulit ako ng baso, so kumuha ang tindero ng baso, at kumuha ng yelo, awa naman ng diyos, kinamay ulit ang yelo. Bulshet. Di ata uso ata sa lugar na yun ang food sanitation ah…

Well, yun lang, paumanhin sa mababaw na mga kwento, antok na antok na kasi ako ngayon… (Partida, tulog ang utak habang nagtatype) Chaka, wala na munang moral lesson, antok na talaga, ZzZzzz…

Kare-kare Delight!

September 19th, 2007 by pokemonstriker

Babala: Ang sumusunod na kwento ay nagsasaad ng mga salitang hindi nababagay o maaaring hindi magustuhan ng mga taong kumakain, patnubay ng magulang ay kailangan.

Imagine: "Pagod na pagod ka sa work, umuulan at malamig ang panahon, uwian time na, gusto mo nang makauwi sa bahay at humiga sa malamig mong kama…"
Yan ang pakiramdam ko kahapon pag sapit ng 4:00 PM, masaya akong lumabas ng office building, at sumakay sa bus…

Tuwing sasakay ako ng bus, gustong gusto ko na:
1. nakaupo ako
2. nasa tabi ako ng bintana
3. mabilis ang sinasakyan ko
4. at siyempre, chicks na seksi ang katabi ko, este, hindi malaking mama ang katabi ko.

Sa awa naman ni Batman, natupad ang tatlong kagustuhan ko, yun nga lang, nagsimula nanaman ang isang mala kalbaryong byahe ko pauwi ng bahay…

May sumakay na isang mag anak sa may Mia road, Si tatay, si nanay, si ate, at isang batang sa tingin ko eh 2-3 years old. Umupo ang tatay sa likuran ng inuupuan ko, si ate naman ay sa tabi ni tatay, at si nanay na kalong si baby, ay naupo naman saking tabi.

Walang kaproble problema sakin ang scenario na yun, masayang kumakain ang pamilya ng fish cracker habang umiinom ng c2, habang ako naman ay prenteng nakaupo lang at nag sa-sightseeing sa manila bay, ngunit biglang…

UUUNNGGAAAA! UNNGGGAAAAAAAA!

Maingay na iyak ng bata, pilit pinatahan ni inay ang bata, pero wa epek… miya miya pa, nag mura ang nanay!
Nanay: Ay hindot kang bata ka! Tay hawakan mo nga muna itong bag! Tumae tong anak mo!
Tatay: Ay Putang ina, sabi ko na sayo pataihin mo muna yan sa bahay bago tayo umalis eh!

Kian: Tang ama ka! tulungan mo tong asawa mo! <— sa isip ko lang

Kitang kita ng dalawang mata ko ang pag tulo ng mala Kare-kareng tae sa paa ng bata, papunta sa tuhod ni nanay, at sa mga oras na yon, di ko alam ang gagawin ko, naaamoy ko ang aroma ng kare kare kahit san ko ibaling ang ulo ko, badtrip… tumingin nalang ako sa labas ng bintana at tumitig sa nakangiting mukha ni Piolo Pascual sa billboard sa SM Bacoor…

Sa mga oras na yun, ako ay nasa pinaka hindi kanais nais na lugar sa mundo. Miya miya pa ay hinubaran ng nanay ang anak ng shorts, at on the spot nyang pinunasan ang kare kare… Hindi naman ako makalipat ng pwesto, dahil pag tumayo ako, siguradong sigurado na madidikit ako sa bwisit na kare kare nung bata.
Miya miya pa ay ipinasa ng Nanay ang bwisit na bata sa tatay, sa oras na yun, ngumiti sakin ang nanay habang pinupunasan nya ang kanyang tuhod na may bahid pa ng lecheng kare kare, BAKIT KAILANGAN MO PANG NGUMITI SAKIN! PAKING BULSHET!

Pagkatapos nyang magpunas, agad akong lumipat ng mauupuan, ngunit sa kasamaang palad, amoy ko parin ang kare kare… lahat ng pasahero ay nakatakip ang ilong, habang ang driver naman ay binuksan ang bintana. Agad kong chinek kung may bakas ako ng kare kare sa damit, sa awa ulit ni batman, wala naman, at ako ay nakauwi ng buhay sa bahay… Pinaiksi ko na lang ang kwento, bumabaligtad ang sikmura ko pag naaalala ko kung paano nilagay ni nanay ang shorts ng bata sa plastic ng Dunkin Donut…

Moral Lesson:
"Chicken Joy man o Chicken McDo ang kainin, paglabas nito ay tae parin…" -KiantheMenace

Meow… Help me… Meow…

June 24th, 2007 by pokemonstriker

I just wanna share something that happen just last week, it’s Thursday to be exact… (Tatagalugin ko nalang, actually nagawa ko na itong post na to in English, kaso nung binasa ko ulit, parang hindi papasa kay pareng Carabao ang English ko. Kaya eto, Tagalog nalang…)

Umaga, 5:00 na nang umalis ako sa bahay, dinaanan ko ang aking daily walking path. Sumapit ako sa water tank ng subdivision namin at may nakita ako na nakaharang sa gitna ng kalsada, isang kulay orange na pusa. Nagtataka ako kung bakit nakahiga lang siya dun sa gitna at hindi siya natakot ng ako ay lalapit na (ang usual instinct ng isang pusa ayon sa aking obserbasyon, pag nakakakita ng strangers eh biglang tatakbo palayo)… Nang ako ay nakalapit na sa kanya, meow siya ng meow, nakita ko ang kanyang paa sa likuran, siya pala ay pilay, malamang nasagasaan, o baka may atraso siya sa kapwa niya pusa at pinilayan siya.

Naisip ko, "masasagasaan to pag di siya umalis dito, 100%…" Kaya ako naman ay nagmagandang loob sa hayup. kinarga ko siya at dinala sa bakanteng bahay sa tabi ng kalsada. Naks, red cape nalang super hero na ang dating!

Iniwan ko ang pusa, at ako ay tumuloy na sa pagpasok sa work. At ginawa ang every day routine ko… (sakay ng tricycle, sakay ng bus, pasok sa office, work, work, internet, work, lunchbreak, sleep, gising, work, work, internet, internet, labas ng opis, sakay ng bus, sakay ng tricycle, at lakad ulit pauwi sa house).

Sinimulan ko na ang aking paglalakad pauwi. Bumili ako ng limang Stick-O sa tindahan. Naalala ko ang pusa na nakita ko nung umaga, at naisip ko na bigyan siya ng kalahating Stick-O. Nang sumapit ako sa bahay na pinag iwanan ko sa kanya, wala na ang pusa, kaya ako ay nagpasyang umuwi na lamang… Ngunit nakaka tatlong hakbang palang ako palayo ng bakanteng bahay, ay may nakita ako… Isang pusang kulay orange, isang pusang nasa gitna ng kalsada. At ang nakakalungkot, ang pusa ay wala nang buhay… Durog ang katawan niya. 60% probability, nasagasaan siya. 40% probability, pwede din na binalikan siya ng pusang may galit sa kanya at tinuluyan na… Sumalangit ng mga pusa nawa ang kaluluwa ng pusa…

I therefore conclude that:

1. Nung makita ko ang pusa nung umaga, ang buhay niyang ginagamit nun ay pang siyam na.

2. Nung makita ko ang pusa nung hapon, nagamit na niya ang kanyang pang siyam na buhay. Kaya siya ay natuluyan na..

Moral Lesson:

"Aanhin pa ang Stick-O, kung patay na ang pusa…"

KianTheMenace’s office misadventures…

April 11th, 2007 by pokemonstriker

Wooot! Tagal ko ata nawala dito sa "blog world" ah? Well, it’s because mejo busy sa work at sa gaming life… pesteng gaming life yan, it’s begining to devour my life again… Well anyways, I just want to share my stupid adventures here in the office… Well here we go!

Kian and the CD-ROM drive

Well, I have this mannerism na pag walang ginagawa, nagkakalikot ako ng kung anu ano… One time, yung CD ROM drive ng PC ko ang napagtripan, I pushed open, close, open, close, open, close… Then sometime later, out of my stupidity, hinila ko ang cd rom drive, ang resulta, natanggal ang cd rom drive. Nabali yung lalagyan ng cd rom. Later on, I decided to go to the MIS Department, ang sabi ko, "Sir, biglang naputol pag open ko nung CD ROM". Nakalusot… Buti nalang…

Kian and the Rubber Band

As I have said earlier, may mannerism ako na magkatikot pag walang ginagawa… At, ang napagtripan ko naman 1 time ay isang rubber band… Ginawa ko kung ano ang ginagawa ko nung bata pa ko, gumawa ako ng star, double star, bahay ni tarzan, sinturon ni tarzan, singsing ni tarzan, at ang pinakamahirap gawin, ang TAE ni tarzan… Nabored ako sa ginagawa ko, then ginawa ko naman ang natutunan ko nung grade 6 ako. Ito ay ang "Ray Gun". It yung pag binitawan mo yung sa hinliliit mo ay tatalsik ang rubber band. At sa sobrang katangahan ko, nabitawan ko yung sa hinliliit ko. At nakatutok ang goma sa kabilang group, "Policy and Research Group", CHUUNG! So tumalsik ang goma, at narinig ko si Sir Erick, ang sabi "Anu yun?" agad akong nagtulugtulugan, pero mukhang di naman nila napansin na may goma na tumalsik… phew…

Kian a.k.a. Superman!

Isang araw, naisip ko kung kaya kong pigilan ang pagsara ng elevetor door. so i decided na pigilan ito sa pagsara. On the process, napigilan ko! wow! ang lakas ko! ang masama lang, nasaksihan ng guard ang ginawa ko. at ako ay sinabihan… KJ ang guard…

Kian and the Water Dispenser

Kung katalamakang katangahan rin lang, di ako magpapahuli… Simple lang ang istoryang ito. Kukuha ako ng tubig, and I want to check kung nakasaksak yung water dispenser. Instead of checking kung naka plug ang saksakan, binuksan ko ang red tap, which corespond to HOT water, then tinapat ko ang kamay ko. Well, ayun, nalaman ko na nakasindi pala ito, mainit kasi eh. Napakasakit ng katangahan ko. Then i proceed filling my bottle with water from the blue tap. Sakit, ang init…

Kian and the BSP Chick!

Sa lahat ng katangahan ko, eto na siguro ang pinaka nakakahiya… Katatapos ko lang mag lunch nun, pabalik na ko ng Department of Finance. Nung papasok na ko ng DOF, may nakasalubong akong Office Girl na nagwowork sa banko sentral. Napakaganda, napakaputi, napakakinis, OMG, diwata ata yung nakita ko… So I looked at her, and I managed to look away after a while, then kinausap ko ang aking alter ego… "Holy Crabby Patty, I never saw such a beautiful girl, I’m willing to give all the money in my wallet just to marry this girl. O my Father Divine from heaven, I will be contented by a single kiss from her, please give me a chance to ki…" BBBLLLAAAAGGAAADUDUDUGGG!!!! Nagising ako sa pangarap, bumangga ako sa sa glass door… nakakahiya talaga. All the staffs, the guards, and the chick was so stunned by what had happen, instant superstar ika nga… Well, at least, I made her smile… *sigh*

Moral Lesson

"There are 2 things infinite in this world, the universe and the human stupidity" -Albert Einstein