Archive for November, 2006

Ang Magaling na “Center Island” sa Imus

Tuesday, November 28th, 2006

Well, i just updated my blog to share another "insight" from my mind… Gusto ko lang i share ang aking sinasaloob tungkol sa mga "Center Islands" sa Aguinaldo Highway sa Imus Cavite. Ang mga Center Islands na ito ay ginawa para gawing lalagyan ng lamp post. Ang problema, nag tatraffic na nga nung wala ang mga center islands na yun eh, kaya naman nung nagkaroon nun, ayun, lalong nagkandaletse letse ang byahe ko. Bakit kaya ginawa ang mga Center Islands na yun? Wala akong makitang advantage. O dahil ba malapit na ang eleksyon?

Well, kaninang umaga, takang taka ako kung bakit sa Imus palang eh super na ang traffic. Yun pala, may bumanggang Dump Truck sa Center Island sa may Patindig Araw(isang lugar sa Imus)! tsk tsk tsk…

Naisip ko tuloy, pano pa kaya lalagyan ng label yun na "A Joint Project of President Gloria Macapagal Arroyo and City Mayor (Ilagay ang pangalan ng Mayor ng Imus dito)"? eh hindi pa nga tapos ang kanilang project eh naka aksidente na agad? At ang hindi ko pa maintindihan, bakit kailangan pang maglagay ng Center Islands para lang paglagyan ng pangalan nila, este, ilaw? pwede naman sigurong itayo ang mga lamp post sa gilid ng kalsada diba? Ahhhh, naisip ko na kung bakit… Kaya sa gitna inilagay yun eh para pag nilagyan nila ng pangalan ng kung sino mang magaling na pasimuno ng project na yun eh kitang kita, at dahil nasa gita, LALONG MAGTATRAPIK! At dahil matrapik, mas mahaba ang oras ng mga drivers at commuters na tignan ang pangalan ng pasimuno ng project, at para nga naman pag dating ng eleksyon, maaalala nila ang pangalang iyon at iyon ang isusulat nila sa balota…

Kaya lang sira na ang diskarte, naka aksidente na agad ang project eh. Pano pa kaya makaka engganyo na isipin ng taong bayan ng Imus na napakaganda ng project nila? at pano pa mahihikayat ang mga tao na iboto ang may pakana? Tsaka, bakit kaya pag malapit na ang eleksyon eh tsaka dumadami ang project ng mga politicians? hhmmmm… O cya, mgtatrabaho na me… Gud day.

Mag amang obese sa bus

Thursday, November 16th, 2006

Kaninang umaga, sumakay ako ng bus para pumasok sa office. Naupo ako sa upuang pandalawahan, pangalawa sa unahan, Mabilis na napuno ang bus, at pag tinamaan ka nga naman ng swerte, mag amang mataba ang makakatabi mo. Di naman sa pagyayabang, alam kong mejo chubby din ako, pero ang mag amang yun ay talaga namang HEBIGATS! OBESE!

Kinalong ng tatay ang anak nya, naisip ko tuloy, pano ako lalabas dito? na trap ako! Makalipas ang ilang minuto, pag dating ng Imus, Cavite, kinausap ako ng tinamaan ng magaling na tatay, "tutoy, baka naman pwedeng paupuin mo nalang jan sa upuan mo itong anak ko, ang bigat bigat eh, ang hirap kalungin." wika ng magaling na ama. Agad akong sumagot, "ay kuya wala na po akong malilipatang upuan eh." Agad ulit siyang tumugon, "tumayo ka nalang iho sige na, ang bigat kasi nya eh." Nagpantig ang tenga ko, hindi na ako sumagot sa baboy, este sa tatay na katabi ko. Sa isip ko, bakit hindi nalang siya ang tumayo at paupuin nya yung anak nya?

makalipas ang ilang minuto, bulong ng bulong ang tatay, "p*t#, hirap na hirap na ko, d manlang magbigay!" Paulit ulit nyang sinasabi yun, may paminsan pang binabaligtad nya ang mga salita, "hirap na hirap na ko, p*t#, d manlang magbigay!" At, binaligtad pa ulit, "d manlang magbigay, hirap na hirap na ko, p*t#!" At ako naman, cool na cool at ang sarap ng upo ko. Sa mga oras na yun, d ko alam ang dapat kong gawin, pagbibigyan ko ba ang tatay na yun na minumura pa ko? Napagdesisyunan ko na hayaan nalang siyang magmukang tanga dun na magmura ng walang kausap habang hirap na hirap siyang kalungin ang kanyang anak….

At dumating na sa wakas ang bus sa vito cruz, ako ay bababa na, at dahil mabait din naman ako, nag sabi ako ng "excuse me…" agad na pinatayo ng tatay ang anak, "tabi ka muna <pangalan ng anak>, bababa na siya". At ang mga sumunod na pangyayari ang di ko maipaliwanag kung bakit ko nagwa: bago ako bumaba ng bus, nginitian ko ang tatay, yun bang pang asar. Agad na kumunot ang noo ng tatay at tila nag mura ata, ngunit di ko na narinig ang sinabi, at agad na din akong bumaba…

hanggang sa mga oras na ito ay sariwa pa ang mga pangyayari sa isip ko. at paulit ulit kong iniisip kung bakit hindi nalang siya ang tumayo at paupuin ang anak nya? At kung pauupuin ko ang anak nya, magkakasya ba sila dun? At kung mali ba ako ng hindi ko pinaupo ang anak nyang kanta pa ng kanta ng bum tarat tarat? hay buhay….

Nakakatawang Sign Board

Monday, November 13th, 2006

Last friday, natraffic nanaman ako pauwi sa bahay, pero ok lang naman yun, sanay na sanay na ako dun. Pero ang nakatawag-pansin sakin ay yung isang sign board sa may Bacoor, Cavite. I didescribe ko nalang yung sign board, d ko kasi nakunan ng picture. Ang itsura ng signboard ay dalawang magkadikit na kahoy, isang puti at isang dark brown. sa puti, nakasulat ang salitang: "ALL PUJ’s", at sa brown naman, nakasulat ang salitang: "No Right Turn"  Note: Ang mga letters ng mga salita ay kulay black.

The point is, hindi mo masyadong maaaninag ang nakasulat sa kulay dark brown na kahoy kasi, kulay black yung pinturang ginamit… Ano naman kaya ang pumasok sa isip ng Bacoor Traffic Management ng gawin nila ang sign board na yun? Kaya naman, mabilis na gumana ang utak ko na parang si Jimmy Neutron, at sa isip ko, may dalawang Traffic Enforcer na nag uusap…

Traffic Enforcer 1: Pare, meron tayong order, galing yata kay Mayor, maglagay daw tayo ng sign na bawal kumanan dito ang mga jeep…

Traffic Enforcer 2: Tama yang utos ni Mayor pre, ang dami kasing jeep na dumadaan dito, at sabay sabay nagbababa at nag sasakay ng pasahero, lalo tuloy nag tatrapik. ang talino talaga ng Mayor natin… Teka, pano ba tayo gagawa ng sign board?

Traffic Enforcer 1: Pambihira ka pre, mas matalino ako kay Mayor! may plano ako, ang gagamitin nating materyales ay yung kahoy sa nasirang traffic post. tara, tulungan mo akong kumuha, kumuha ka ng isang brown at isang puting kahoy.

Traffic Enforcer 2: Ha? akala ko ba matalino ka pa kay Mayor? eh bat dalawang kahoy ang kailangan? eh isang sign board lang naman ang kailangan natin?

Traffic Enforcer 1: Ikaw talaga brad, wala kang ka bilib bilib sakin eh! may plano ako sa dalawang kahoy na yan, gusto mo bang malaman kung ano ang plano?

Traffic Enforcer 2: Syempre naman, ano nga ba ang plano mo?

Traffic Enforcer 1: Pilitin mo muna ko…

Traffic Enforcer 2: Sige na pleeeaassee?

Traffic Enforcer 1: Ok, ang Plano ko, isusulat natin sa puti yung "ALL PUJ’s", tapos sa brown na kahoy naman eh yung "NO RIGHT TURN" para hindi masyadong mabasa ng mga jeepney drivers yung sign board natin. At syempre, kung di nila mababasa ang ating babala, liliko sila sa kanan! BWAHAHAHA! Mahuhulog sila sa ating patibong! BWAHAHAHA. At pag nahulog na sila sa ating patibong, may mahuhuli na tayo! at kung ayaw nilang ibigay ang kanilang lisensya, edi bigyan nila tayo ng pampadulas! may tanghalian at hapunan na tayo! BWAHAHAHA!

Traffic Enforcer 2: Wow pre! Idol na kita! tara, gawin na natin itong sign board, nagugutom na ko eh! NYIKHIKHIKHIK…

At dito na nagtatapos ang walang kwentang post na ito… hehe… salamat sa iyong pagbabasa… (kung meron mang nagbabasa…)