Christmas Day Headache
Tuesday, December 26th, 2006Last Christmas day, i spent most of the day sa kalsada, bakit? Kasi, umaga palang byahe na papuntang Bulacan at makalipas lang ang ilang oras, byahe naman ako pauwi ng Cavite. At ang talagang nagpasakit ng ulo ko ay ang byahe pauwi. Bakit? narito ang kwento:
Ako ay sumakay sa LRT, akala ko walang magiging problema, kaso nagkaron ng konting aberya. Dahil ito sa dala kong regalo, ang laman nito ay isang mahabang ambrasador(unan na mahaba) na naka giftwrap.
Guard: Boss, ano laman nito?
Kian: Di ko alam sir, eh nakabalot pa kasi.
Guard: (Ngumiti)
Pambihira, eh obvious namang mahabang unan ang nakabalot eh tinatanong pa, kungsabagay, sumagot din ako na di ko alam kaya tanga din ako.
Matagal na pinisil pisil ng guard ang regalo, sabay pinadaanan ng metal detector, at saka palang ako kinapkapan. Anyways, ok lang sakin yun kasi para din naman sa safety ng mga pasahero yun. Then nakasakay na din ako sa wakas.
Bumaba ako sa "Central Terminal" Station, pumasok ako sa "Park ‘n Ride"(Terminal ng bus), at himalang hindi manlang ako kinapkapan ng mga guards dun. Mukang wala silang natanggap na bambtret ah? At kalaunay sumakay ako ng bus papuntang DasmariƱas. Naupo ako sa bandang gitna, sa tatluhan, sa tabi ng bintana.
Mya mya, may umupo na isang pamilya sa tabi ko. Isang nanay, tatay, at dalawa nilang anak na isang batang mukhang 6 years old at isang baby na 1 year old lang cguro. At dahil sila ang nakatabi ko, nagsimula na ang Chistmas-day-sakit-sa-ulo ko.
Mabagal ang aming paglalakbay, sumapit kami sa Coastal Road at dun palang ay traffic na. Ang everyday traffic na nararanasan ko ay nadagdagan pa ng 5 kms na traffic, dun palang di ko na malaman kung hihimatayin na ko sa stress. Pero ang sumunod na nangyari ay talagang umubos sa chakra level ko…
Umiyak ang sanggol na karga ng nanay na katabi ko… "UNNGGAAAA! UUUUUUNNGGGGAAAA!" wika ng sanggol. "Ssiiit sssiiit siiit" sagot ng nanay. Pero hindi tumigil ang iyak ng bata, "UNNGGAAA!" palakas ito ng palakas! "UNGGGAAAAAAAAAAAAAA!" hindi mapatahan ng nanay ang kanyang anak. Kaya naman kinausap ko ang nanay at tinuruan ko siya ng natutunan ko nung elementary sa HELE (Home Education and Livelyhood Education):
Kian: Ate, try mo po siyang padapain…
Nanay: Wag mo kong turuan ng gagawin ko, sssiiiiit ssiiiit…
Baby: UNNGAAAA! WAAAAAAAA!
Pambihira, ako naman ay maayos at magalang na nakipag usap. Nag suggest lang naman ako ah, huhu.
Makalipas ang ilang oras na iyakan ay sitsitan(na wa epek), biglang nahawa ang bata sa likuran ng upuan namin, akalain nyo ba namang umiyak din ang bata! At di pa jan tapos, isang batang babae naman na karga ng nakatayong babae ang umiyak! Holy Cow…
Kung kayo mismo ay nasa kinauupuan ko nun, maiintindihan nyo kung ano ang tunay na kahulugan ng sakit ng ulo. Napakaingay talaga. At sa mga oras na yun, nagsisisi ako kung bakit hindi ko tinuloy na itakas yung mp3 player ng kapatid ko kaninang umaga.
Dumating ako sa Dasma, nakababa na din sa wakas, tinreat ko ang sarili ko sa mcdo(1 pc chicken, 2 rice, 2 extra gravy, 1 sprite), I celebrated that im still alive habang katabi ko ang unan na halos sira sira na ang balot…
Moral Lesson:
"Wag bumili ng extra gravy sa mcdo, may free gravy refill sila!" -Kian the Menace



