Archive for January, 2007

Sino ang First Crush mo?

Tuesday, January 30th, 2007

There was a story that i want to share, dahil kating kati nanaman ako, gusto ko na ulit mg post dito… It’s a story about "My First Crush", nyaks, parang autograph book!

I had my very first crush when i was in elementary, Grade 4 to be exact. Her name was Jenna del Rosario. hihi. si jenna ay mabait, magka height kami, matalino, at siyempre, beautiful. But unfortunately, ako ay bata at tanga pa noon, di pa ako marunong mag express ng feeling ko towards the opposite sex, siyempre, bata pa nga kasi…

Dahil crush na crush ko siya, gustong gusto ko pag siya ang nagchechek ng papel ko, kasi lagi siyang naglalagay ng "CHECKED BY: JdRosario(Pirma to)" parang instant autograph! hehe. kahit 0 ang score ko, basta siya ang magcheck masayang masaya ako. Ganun ako kababaw. Naalala ko din nun nung tinitignan ni Tita Lyn ko yung Class picture namin, tinanong niya sakin kung sino ang pinaka maganda dun sa class namin, siyempre, tinuro ko yung crush ko. siya ay sumagot: "anu ka ba? mas maganda to o!" tinuro niya si Katrina. Pambihira, sumama ang loob ko, tinanong pa niya ko eh siya din pala ang mamimili kung sino ang pinakamaganda? hehe…

Ang masakit lamang sa alaalang ito ay si Jenna ay may ka loveteam sa classroom, si Paul (di ko maalala surname ng kumag). Lagi silang tinutukso sa classrum, "Uyy, bagay na bagay sila…", "O Paul, kelan mo ba liligawan tong si jenna?", at siyempre… ako naman ay selos na selos. hehe.

Lumipas ang maraming araw, dumating ang time na malapit na ang Christmas party, siyempre exchange gift nanaman! nakakaexcite! At kabilin bilinan ng teacher namin na wag sasabihin kung sino ang iyong nabunot… Ngunit isang chismis ang nagpapalakpak sa tenga ko! Ang nabunot daw ni Jenna ay ang pangalan ko! WOW! excited na excited na talaga akong mag exchange gift! Lumipas ang maraming araw, sumapit ang exchange gift, at tinawag na sa wakas ang pangalan ko… At ako ay nadismaya… ang nakabunot pala sakin ay si Sarah Caguiat… at ang nakuha ko ay ruler set na pwede kang gumawa ng ibat ibang hugis. Sarap itapon. Napakalungkot talaga. At lalo pa akong nalungkot ng nakita ko kung sino ang nabunot ni Jenna, si Paul pala, at ang regalo nya sa kanya ay isang picture frame na may picture pa ni Jenna. Holly crap. Basag ang puso ko…

Natapos na ang Grade 4, siyempre ang susunod sa 4 ay 5, kaya Grade 5 na ko. Klasmeyt parin kami ni Jenna, at klassmeyt parin namin ang paul(dammit). Ganun parin, masaya parin ako pag siya ang nagchecheck ng test paper ko, masaya ako pag kinukurot niya ko.

Lalo pang sumaya nang maging magka service kami, pag uwian palagi siyang nagpapabili sakin ng frostie! Naalala ko pa nun ang gusto niya ay yung color red, at syempre, ako naman ay uto uto, bili naman ako.

At sa wakas, sumapit din sakin ang liwanag ng buhay, ito ay nangyari nang mag field trip kami. Pumunta kami sa bahay ni Rizal, pagawaan ng Coke, at ang higlights ay sa Botanical Garden sa UP Los Baños…

Ang Botanical Garden na yun ay isang mahabang pathway na pababa, parang gubat ang lugar, at pag narating mo ang dulo ay may water falls. Bumaba kami dun ng mga klasmeyt ko(di ko na ikukwento ang mga nangyari dun kasi d ko maalala), at mya mya ay umakyat ulit kami. nakakapagod. Pagdating namin sa taas, nakita ko si Jenna, nagiisa, at sabi nya sakin, gusto daw niyang bumaba at makita yung falls kaso wala siyang kasama.

Sinamahan ko siya, exciting! iniwan ko ang mga kolokoy at sinamahan ko ang crush ko. dahil pababa ang daan, humawak siya sa kamay ko… o my, this is heaven… naalala ko pa ang sabi niya, "Juggernaut wag mo kong bibitawan ha?" JUGGERNAUT? ang liit liit ko juggernaut? anyways, bumaba kami sa kahabaan ng pathway, holding hands… *giggle*, masayang masaya talaga ako nun! hanggang sa paakyat, hawak kamay parin, hihi.

Pag dating namin sa bus, tanung ng tanong yung mga kasama ko, "san ka ba galing? pumunta kami sa Philippine Eagle Exhibit! Di mo nakita yung mga eagle!" Hehe. inyo na yang mga Eagle na yan. pakialam ko jan. At mya mya pa, sumakay si Jenna sa bus at ng thank you… "Thank you Roel!" (Roel ang tawag sakin sa skul nung elementary), sabay flying kiss! OMG. ang saya talaga.

Mya mya pa ay kinausap ako ni Claudette, isang classmate, at sinabi niya na nakita daw niya kami kanina na magka holding hands. hehe.

Anu na kaya ang nangyari sa kanya? nung grade 6 kasi lumipat na siya ng skul. hay, huli ko siyang nakausap nung 1st year college, uso pa nun yung "drop call" (drop call yung tawag na wala pang 5 seconds, then ibababa mo agad para hindi mabawasan ng load mo), at ang sabi ba naman sakin "Ah, kaw si Kristian, yung MALIIT!" nang inis pa. sinagot ko siya ng "nagsalita ang matangkad." hehe. mula nun, wala na akong balita sa kanya, umalis na daw siya papuntang ibang bansa… hehe. at dito na nagtatapos ang kwento, maikling kwento na galing sa aking maHABAGdamdaming buhay.

Moral Lesson:

"45 minutes na halos akong nag iisip ng moral lesson sa post na ito. Wala akong maisip. Marahil dahil walang fried rice sa cafeteria, hindi ako nag almusal, o di kaya naman ay wala akong isip." -Kian the Menace

Kian: The Privacy Invader!

Wednesday, January 24th, 2007

Well, sa totoo lang, ayokong ikwento ang mga sumusunod na talata. Subalit ako’y kating kati na, gusto ko na ulit mag type eh! kaya eto, game na…

I have a confession, i have this kind of instinct na whenever there is someone beside me on a bus, tricycle, or where ever it is, na nagtetext, palagi kong nababasa ang mga pinaguusapan nila… And i promise, di ko sinasadya yun(minsan lang).

Alam ko naman na mali yun, pero every time na may nagtetext na katabi ko, palagi nalang nasa line of vision ko yung screen ng cellphone nya, and that results to the title of this blog… I invade the privacy of my victim… Oh My God…

Let me share to you some examples that i remember… There was a nursing student sitting beside me, nagtetext siya, at ang tinype niya:

"sweety, nakasakay na ko ng bus, hintayin mo ko sa skul, san ka na?"

Message Sent!

Makalipas ang ilang sandali, nag reply ang katext niya, i assume na boyfriend nya yun, kaso sa kasamaang palad, sobrang haba ng text ng bf niya, at hindi ko nabasa… mabilis na nag reply ang nursing student:

"T#NGIN# MO"

Haha, anu kaya ang sinabi ng bf niya at napamura yung nursing student? then, tinago na niya ang cp niya at hindi na pinansin ang tunog ng tunog nyang cp… kawawang bf.

Ang susunod naman ay sa isang matandang lalaki. tumunog ang kanyang cp, ang nakalagay:

"Papu, bumili ka ng litsong manok para sa birthday si (d ko maalala pangalan), san ka na ba?"

Mabilis na nagreply si manong:

"Wala na kong kwarta, naubos na ng mamu mo! bumili ng blender. imus na ko."

Kawawang birthday celebrant… walang litsong manok… Bwisit kasi si mamu…

Ang susunod naman ay tungkol sa isang babae, naka formal at may dalang mga credentials(o credencials? o credensials? anu ba spelling? hehe)… nag text siya:

"Mam Mira, baka naman po pwedeng bukas nalang ako magreport sa office nyo po, hapon na kasi baka hindi na ko umabot…"

Mabilis na nagreply si mam mira:

"Hindi pwede kasi hanggang ngayon nalang ang call time for secretary applicants…"

Nagreply ulit ang babae:

"Mam, Please po… give me a slot for an interview tomoro."

At nagreply muli si mam mira:

"Apply ka nalang next year…"

Hehe, pinindot ng babae ang reply, ang tagal niyang nag isip ng irereply. pero kinancel niya at itinago na ang cellphone niya sa bag…

Madami pa kong nabasa na mga text messages… kaso di ko na maalala yung iba, at yung iba naman eh walang kwenta, naguusap lang. tinatamad akong ikwento…

Sa mga oras na to, alam ko ang iniisip mo, "NAPAKACHISMOSO MO KIAN! MALI YANG GINAGAWA MO! HAYUP KA!" well, kung yan ang iniisip mo, thank you… di ko naman sinasadyang mabasa. ewan ko ba, lagi akong na cucurious pag ganun. pero, di ko naman ginagawa to sa mga kakilala ko, sa mga di ko lang kilala… chaka alam ko naman na mali talaga yun. paki sapok nalang ako kung yan ang ikasisiya mo…

Kaya naman pag ako ang nagtetext, i always see to it na walang matang naka tingin. nagtetext ako habang nasa loob ng bag ko ang aking cellphone… "Galit ang magnanakaw, sa kapwa magnanakaw"

PUBLIC WARNING!!!!

Kung nakasakay at nakatabi nyo ang lalaking nasa picture sa upper left ng screen na ito, mag ingat, wag magtext… YOUR PRIVACY IS IN GREAT RISK! Inirerekomenda ng kinauukulan na bumaba ka nalang sa bus na yun para masaya.

Moral Lesson:

"Don’t do unto others, what you don’t want to do unto you… ARAY! SAPUL AKO!" -Kian the Menace

Kian and the Bomb Scare Hoax!

Monday, January 22nd, 2007

Last week, just an ordinary afternoon, sumakay ako ng bus pauwi, sinwerte ako kasi ang dumaan na bus ay pa tagaytay, kasi pag tagaytay ang nasakyan mo, maluwag at makakaupo ka. Nakaupo ako sa tabi ng bintana, sa upuang pantatluhan…

Pagdating sa Baclaran may sumakay na lalaki, tumabi siya sa tabi ko, siya ay mejo maitim, matangkad, at ang kapal ng balbas… ang pumasok agad sa isip ko "Di kaya terorista to?", at lalo akong nakumbinsi na terorista nga ito dahil may bag siya na kanyang kinalong, at mukhang mabigat ang dala dala niya. Holy Moly! Naisip ko agad, baka suicide bomber to! nanay ko po.

Mabilis na lumipas ang oras at nawala sa isip ko ang takot sa katabi kong mukhang terorist. Ngunit isang nakapanghihilakbot na tunog ang nagpatayo sa aking balahibo!

"TUUUUUUT TUUUUUUT"

OMG, nanggagaling ang tunog sa bag niya, pero hindi ko pinansin at nagkunwaring cool na cool parin sa pagkakaupo… at mya mya pa…

"TUUUT TUUUT TUUUT"

Bumibilis ang pag tunog! Parang yung bomba sa Counter Strike! inisip ko na cellphone lang yun, pero hindi eh! It doesn’t sound like a monotone or a polytone! kakaiba talaga yung tunog! at mya mya pa…

"TUT TUT TUT TUT TUT"

Sa mga oras na yun, nanlamig ako, kinilabutan, at kung anu anu na ang pumapasok sa isip ko:

"Huhu, gusto kong lumipad at butasin yung bubong…"

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"bakit ba ko nakasakay pa dito…"

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"Kung sasabog to at mabuhay ako, anu kaya magiging itsura ko? OH GOD!"

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"Diyos ko, ang dami ko pang gustong gawin at maranasan sa buhay…"

"TOOOOOOOOOOOOOOOT!"

BOOOM! <—– (Joke lang, hehe)

KInausap ang terorista ng isa pa niyang katabi, at sinabi nito na kanina pa may tumutunog sa bag niya.

Naalimpungatan ang terorista, at binuksan ang bag… At ako ay muling nagulantang sa aking nakita… Isang hugis tandang na alarm clock ang kanyang inilabas, at inoff ang alarm.

Terorista: Nag set ako ng alarm para magising ako pag nakatulog ako dito sa bus. di rin pala ko magigising… hohoho.

Kian: Putragis ka, Hayup ka, paking shit, muntik na kong mapa ihi sa takot! sarap mong hagisan ng pla pla! (sa isip lang)

Nakahinga ako ng maluwag… Kakaibang experience talaga… Ganun pala ang feeling pag akala mo may sasabog, gusto kong kumawala dun sa kinauupuan ko pero d ako makaalis, i feel so helpless… nakakatakot talaga…

Moral Lesson:

"Pag makapal na ang iyong balbas, paki ahit nalang, para hindi na makapag sanhi ng takot sa ibang tao…" -Kian the Menace

Kian: The Spoiled Brat’s Nightmare

Thursday, January 18th, 2007

Kaninang umaga, sumakay ako ng bus papuntang office. Umupo ako sa upuang dalawahan, sa tabi ng bintana. Himalang hindi manlang napuno ang bus, wala halos pasahero. Pagsapit ng bus na sinasakyan ko sa Imus, may sumakay na mag ina. Umupo ang anak nyang lalaki sa tabi ko, at ang ina naman niya ay naupo sa katapat na upuan. Gets? Hindi? Eto ang siting arrangement namin:

I O I O I M I I A I K I

Legend:

O = Ibang tao, walang kinalaman sa istorya, EXTRA

M = Ang Magaling na Ina

A = Ang Tinamaan ng Magaling na Anak

K = Ang Mas Tinamaan ng Magaling na si Kian

Pagsakay na pagsakay palang ng mag ina, alam ko na masisira agad ang umaga ko pag sila ang aking nakatabi. Napakaingay nung anak niya, sa lahat pa naman ng ayaw ko ay yung batang salita ng salita.

So ayun, umupo ang Anak sa tabi ko. at hingi ng hingi sa kanyang Ina ng kung anu anu….

Anak: MAAA, I want to eat na…

Ina: Wait baby, where still on the bus pa eh.

Anak: EEEE, I’m hungry na, MAAAAA

Agad namang binigyan ng Ina ang kanyang anak ng Dunkin Donut, na sa tingin ko ay kahapon pa binili. Mabilis na naubos ang Donut. Pagkaubos ng Donut, marami pa siyang hiningi; laruan, cellphone, at kung anu ano pa.

Mya mya pa ay napansin ko na tingin sya ng tingin sa bintana, at dito na nagsimula ang pinakamasalimuot na parte ng aking paglalakbay…

Anak: MAAA, I want to sit beside the window!

Ina: No, You can’t baby, wala nang available sit…

Anak: EERRR!!! I WANT TO SIT BESIDE THE WINDOW!

Ina: No, You can’t baby, wala nang available chair…

Anak: EERRR!!! I WANT TO SIT BESIDE THE WINDOW!

Ina: No, You can’t baby, wala nang available sit…

Anak: EERRR!!! I WANT TO SIT BESIDE THE WINDOW!

Kian: SSHHHUUUTT UUUP DIRTY BUTTHOLES!!! (Boses ng isip ko)

Nainis talaga ako nun. Paulit ulit na sinasabi ng anak na gusto nyang maupo sa tabi ng bintana, at inglisan pa ng inglisan, mga pilipino naman sila… Makalipas ang ilang minuto, umiyak ang Anak, ooooh, wawa naman ang baby, sino umaway sayo?

Malakas ang iyak ng Anak, hanggang sa kinausap ako ng Ina:

Ina: Iho, baka naman pwedeng palit kayo ng upuan? Jan lang naman kami sa Baclaran.

Aba! Niluluko mo ba ko? Ayaw kong makipagpalit sa kanya! kaya ako nakaupo dito para tignan yung billboard ni Roxanne Guinoo sa Mia Road! At bakit ka nagtatagalog? anu akala mo sakin? Di marunong mag english? Note: Hindi yan ang sagot ko… eto ang aking sagot sa kanya:

Kian: Ayoko po eh.

Ayoko talaga, di ako aalis dito, gusto ko makita yung billboard ni Roxanne Guinoo eh. Chaka Baclaran kau bababa, eh mauuna yung Billboard kesa Baclaran.

So ayun, iyak ng iyak ang bata. Masama ang tingin ng Ina sa kin, tinignan ko rin siya, sabay tingin sa bintana at sinabayan ng ngiti. Tapos narinig ko na ang Ina ay bumulong, "Kala mo kung sino…" hihi. I felt so self fulfiled again. Iniispoiled mo kasi yang anak mo eh. lahat binibigay mo kaya ayan ang resulta. Na spoiled ang bata.

Marahil para sa inyo mali ang ginawa ko. Pero talagang inis lang ako sa mga batang ganun. Hindi ko siya pinagbigyan para naman maranasan niyang hindi masunod ang gusto niya…

Nang bumaba sila sa Baclaran, inakay ng ina ang bata, tapos ay sinabi niya sa kanyang anak na, "Tara anak, wag kang gumaya jan". Tama ang payo ng inay mo! wag mo kong tularan kasi masama ang ugali ko, just stay who you are, wag mong baguhin ang ugali mo at tiyak na maraming matutuwa sayo.

Now, for the conclusion, hindi sulit ang pag tingin ko sa billboard ni Roaxanne, walang kwenta, ni isang patak ng "kilig" di manlang tumama sakin. Ordinary Pose lang, far from what i have expected, sabi kasi sa news, "Super Daring", "Hindi mo siya makikilala, sobrang iba siya talaga", "I never imagined that Ms. Roxanne would be as DARING as that."

Mga sinungaling, walang kwenta ang billboard.

Moral Lesson:

"wala" - Kian the Menace

I’ve Slept with a Gay!

Monday, January 15th, 2007

Yesterday, uwian, wala akong masakyang bus, akalain mo ba namang lahat ng parahin ko eh nilalampasan lang ako? nakakastess talaga… Makalipas ang tatlo pang bus na hindi ako hinintuan, may dumaan na FX taxi, ang nakalagay sa signboard ay "Dasma Bayan", nagningning ang mga mata ko at ako ay tumakbo para unahan ang iba pang naghihintay…

Ako naman ay nakasakay, nakaupo ako sa unahan, tabi ng bintana, at may katabing lalaki, mejo masikip pero naisip ko, "kahit masikip OK na to, matutulog nalang ako…"

Mya mya pa, nagbayad ako ng pamasahe, at sumunod na nagbayad ang katabi ko, "mwa bwayad pwo… isa pwong dwasma…"

Ayun, bading pala ang lalaking katabi ko… But i have nothing against gays, in fact marami akong kakilala at kaibigan na bading, (officemate, classmates, pati nag gugupit ng buhok ko gay). So obviously, thats not the problem. Ang problema ko lang sa kanya ay natulog siya, hindi lang basta natulog, sumandal siya sa shoulders ko… wow, how romantic.

Nag isip ako ng paraan kung pano siya mapapaalis sa shoulder ko para makatulog din ako ng ayos, at nang padating na kami sa isang tulay, mabilis ang sasakyan namin, Note: kung nakikinig kayo sa teacher nyo sa physics, maalala nyo na ang formula ng Velocity ay:

V = Vi + AT

where Vi = initial velocity

           A = Acceleration

           T = Time

Walang kinalaman ang formulang yan sa kwento, ibig ko lang sabihin, paahon ang tulay, so ang tendency ay bababa pa ang ulo nya sa balikat ko, kaya naman pag baba namin sa tulay(syempre ang ulo naman nya ay tataas), sinabayan ko ang pag angat ng ulo nya ng pagbaba ng balikat ko, at ng lalanding nang muli ang ulo nya sa balikat ko, sinabayan ko naman ng pagtaas ng balikat ko, ang resulta:

TOINK!

"Ouch!" wika ng bading, "Mwanong dahan dahan namwan"

"sorry ho." tugon ng driver…

I felt so fulfiled! Mission accomplished! wala na ang ulo nya sa balikat ko! At that time, wala na akong magawa, wala na kong katext kasi tulog na ang Christa ko, so natulog na din ako… ZzzZzZZZzz…

makalipas ang ilang mapayapang sandali, ako ay nagising dahil Dasma na, at nanlaki ang aking mata sa aking natuklasan! nakasandal pala ang magaling na bading sa balikat ko! pareho kaming tulog sa unahan ng FX! aaarrgg! Ang saya, malamang iniisip ng mga nakakakita samin na mgshuta kami nun! arrrgg!

"manong para po jan sa may simbahan!" malakas na wika ng inyong linkod. At sa wakas, nagising ang bading. Bumaba ako ng FX, at bumili ng mani… Di ko talaga maimagine, "I’VE SLEPT WITH A GAY!" God forbids…

Moral Lesson:

"Masarap matulog, lalo nat malamig at may katabi." -Kian the Menace 

Kian:The Jaywalker

Thursday, January 11th, 2007

Last Wednesday, I got home early kasi medyo masama na ang pakiramdam ko. At sa pag uwi ko na yun, may isa akong bagay na narealize, ako pala ay araw araw na sumusuway sa batas. Ako pala ay araw araw na nag jejaywalking…

Bakit kanyo? ganito yan, dahil maaga akong umuwi, tanghaling tapat, maliwanag na maliwanag kong nakikita ang lahat, at dahil maliwanag, nakita ko ang pagkakamali ko, hindi pala ako tumatawid sa tamang tawiran, bakit? ganito yan…

             l Hukbong dagat ng Pilipinas l

————————————————————————

—     —     —     —     —     —     —     —     —     —   

————————————————————————

OOOOOOOOOOOOO                 OOOOOOOOOOOOOOOOOOO

—————————–IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIll——————————–

—     —     —            IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII   —     —     —     —     —    

—————————IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIll——————————–

                     l Department of Finance l

Nagets mo ba ang drawing ko? Natural lang na magets mo agad yang drawing na yan, napaka realistic eh! Well, ang everyday route ko pauwi ay nagsisimula sa Department of Finance, tatawid ako ng Roxas Blvd. papuntang Hukbong dagat ng Pilipinas para doon mag abang ng bus na pa Dasmariñas. kung mapapansin nyo sa aking ultra realistic ASCII art, merong tatlong hindi magkakapantay na llllllllllllllll sa kalsada sa tabi ng Department of Finance(sinubukan kong i align ang tatlong yun pero sumakit na ang ulo ko), yun ay ang pedestrian lane, so ibig sabihin, tawiran talaga ang lugar na yun. kaya lamang, pag dating mo sa center island na naghahati sa dalawang kalsada ng Roxas blvd., mapapansin mo agad na ikaw ay susuway sa batas trapiko. kasi ang kalsada na papuntang south(Libertad, Baclaran, Cavite, etc) ay wala nang llllllllllllllll! e putsa pala, tama yung tinawiran ko kanina tapos pagdating sa kabila eh mag jejaywalking na pala ako? hay, mabuti na lamang at walang MMDA na nagbabantay sa lugar na yun…

At ang masama pa neto, wala na akong maisip na karugtong na pwedeng idagdag… kaya tapos na ang post na ito. kakain na ko ng yakisoba…

Moral Lesson:

"Bawal tomawed deto, mahole bogbog!" -Kian the Menace

I love you so…

Monday, January 8th, 2007

I am a rose, you are my thorns,
clutching to me, protecting me.
I am the sun, you are my rays,
helping me to shine and be all that I can.
I am a lake, you are my water,
filling me with dreams, ideas, and hopes for the future.
I am a tree, you are my leaves,
sharing who and what I am
and becoming an important part in my life.
I am a heart, you are my beat,
beating rhythmically to my happiness,
my fear, my sadness, my excitement.
I am me and you’re my love(tama ba yun?),
to share all that I am,
to share life, love, and happiness.
I love you…

Final words:

"O sinisintang bathala ng tubig, nilalangit na diwata ng apoy, bakit yaring pag ibig ko ay hindi abot kamay? Tila ba isang tala na napakahirap abutin…  naway mahabag ang yaring Haring Araw, na ilapit ang abang mangingibig, sa minumutyang kanyang iniirog…" (Nabaliw sa pag ibig) -Kian the Menace

PE teacher = Nazareno?

Sunday, January 7th, 2007

Bagong taon na, yehey! kayat sa unang post ko sa blog ko para sa taong ito, magkukwento ako tungkol sa aking karanasan nung ako ay hayskul pa lamang…

Note: This is a true story, if your not convinced, try to contact other Students who studied in Colegio de Sta. Rosa year 2001 to 2002!

This morning, habang nakaupo sa bus at nanunuod ng balita sa tv, napansin ko na halos nasakop ng paghahanda sa pista ng Nazareno ang mga balita, at sa tuwing naririnig ko ang salitang "Nazareno", isang tao lang ang mabilis pa sa Pentium Centrino ang pumapasok sa isip ko… siya ay walang iba kundi si… TANTARARAN!!! Si Mr. Niño Costelo!

Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, siya ay aking guro ko noon sa PEHM(Physical Education, Health, and Music) noong highskul sa Colegio de Sta Rosa. Siya naman ay mabait, ayos kausap, at madaling pakisamahan. Kaya lang, malamang inyong natatanong:

"E bakit ‘PE teacher = Nazareno’ ang title? kamukha ba siya ng poong Nazareno?"

Mali kayo kung yun ang inyong iniisip, hindi nya kamukha ang Nazareno, ganito yan kids. Isang araw, isang ordinaryong araw, (pasok ng skul, kopya ng math assignment, recess, pasok ulit, pasa ng assignment sa math). Nung unang recess, habang kumakain ako ng hamburger at Chocolait(Chukie na ngayon) kasama ang mga klasmeyt ko, may naguusap sa tabi ng table namin, pinagusapan nila si sir costelo, me topak daw, pero dahil sa sarap ng hamburger+chocolait combo meal ko, di ko sila pinansin…

Kinahapunan, dumating ang time ng PEHM, ng si Sir Costelo ay dumating, ibang iba ang kanyang kilos, malamya at mejo matamlay, umupo siya sa harap ng klase at sinimulan ang palabas este ang klase. siya ay nagsalita (ang mga sumusunod na paguusap ay ang mga natatandaan ko lamang, maaaring may ibang kulang, pero wala akong dinagdag):

Mr. Costelo: Alam nyo ba mga kapatid, last Sunday, nagsimba ako at naramdaman ko ang tawag ng panginoon… Nung niresite na ang "Apostles Creed" i really cried, i cried hard, at tinanggap ko ang poong Nazareno sa aking katawan…

Ang buong klase ay nagulantang, sa aking pagkakaalala, walang nakaimik at lahat ay naka focus sa kanya, at siya ay nagpatuloy:

Mr. Costelo: Wag kayong magpapanic kung may maaamoy kayong amoy bulaklak, kasi pag naamoy nyo ang amoy bulaklak, ibig sabihin lamang ay nandirito ang ating inang Birheng Maria…

Nakatanga parin ang buong klase, habang ako naman ay nakatingin sa kanila. tinignan ko si Francis Erick na madalas kong kakulitan, naka tanga din. wala akong makausap, kaya tumanga nalang din ako. at siya ay nagpatuloy at iba na yata ang boses…

Mr. Costelo: UUUHHHH, ako na ngayon ang Black Nazarene! Dahil tinanggap ako ni Niño sa kanyang katawan, ito na ang aking magiging bagong tahanan! UUHHHH!

Pagkatapos ng litanyang yun si Sir ay kumurap kurap, tila nag beautyful eyes! at pagkatapos ay nagsalita ulit, bumalik na siya sa dating boses:

Mr. Costelo: Ah, (hingal), nasan ako? anung nangyayari?

Kian: (Nagpigil ng tawa)

Patrick Tapere: Sir nasa Classroom kayo, nagbago boses mo…

Mr. Costelo: Ganun ba, hindi nya ko binalaan na siya ay papasok sa aking katawan. pasensya na kayo… blah! blah! blah! Malamang hindi na ko magturo, manggagamot nalang ako, blah! blah! blah!

hehe, yung mga blah! blah! blah! ay mga salitang hindi ko na maalala, malamang nung time na sinasabi nya yun ay nakatalikod ako at nakikipag usap kina Erick at Ericson.

Sumunod dun ay nakalimutan ko na, ang natatandaan ko dinala yung teacher sa mental para macheck up, pero sabi ni Mr. Costelo, napatunayan daw nya na di siya baliw sa pamamagitan nung drawing nya ng taong lalaki, panu kaya mapapatunayan yun dahil lang sa picture na dinrowing nya? hmmm, di ako psyco student para malaman yun, pero walang nakakaalam ng totoong resulta.

Ngayon, di ko na malaman kung ano na ang nagyari kay Sir. Magseselebreyt kaya siya ngayon ng kapistahan niya? hehe.

Moral Lesson(wag basahin kung kayo ay kumakain):

"Pag may naamoy kayong amoy bulaklak, wag kayong mag papanic, nautot lang ako. Excuse me." -Kian the Menace

Last Day of My “Young Adult” Days?

Monday, January 1st, 2007

Phew, Birthday ko na tomoro, 21 na ko, at mejo hindi ko pa sure kung ang spelling ng tomoro eh "tomorrow" o "tommorow". ah basta, the day after this day, ang birthday ko na…

At dahil bukas pa naman ako magiging "adult", mag iicp bata muna ko ngaun…

Wla naman ako masyadong wish sa birthday ko, nirequest ko lang sa aking ina na ang hapunan namin ay Chicken Curry. May matatanggap kaya ako na regalo? Kasi yung mga regalo daw sakin nung xmas eh kasama na daw dun yung pang New Year at Birthday ko. huhu. (para ka talagang bata gago!)

Sa ibang balita, masaya ang sitwasyon dito sa opisina, hindi nila alam na bday ko bukas, kaya ang bati lang nila sakin eh "Kristian! happy new year!" Cyempre, ala nga namang ikalat ko na bday ko bukas, lalo pat ganitong 220 lang ang laman ng wallet ko.

Sa kabilang dako naman, ako ay handa nang tumaggap ng regalo, maaari nyo itong ipadala sa opisina:

Department of Finance

OSS CENTER-TCCIAD

3rd floor Executive Tower, BSP Complex

Roxas BLVD., Manila

Maaari din kayong magpadala ng load sa numerong 09184941742!

Salamat po! hehe.

Moral Lesson:

"Huwag masyadong makapal ang mukha pag nanghihingi ng regalo." -Kian the Menace

P.S.

Pasensya na po, pag bigyan nyo na ang kawalang kwenta ng post na ito. bday ko naman. sabagay, lahat ng nakalagay dito sa blog na ito ay walang kwenta, nyik hik hik hik!