Senatoriables: Comercial Artist?
Sunday, February 25th, 2007Foreward:
Matapos ang drama sa last post ko, na realize ko na hindi ko dapat na i allow na i devour ng sadness ang life ko… i have to move forward and do what i do before, just like this blog! A lot of people say na "I’m a writter", pero ang sabi ko, hindi naman ako nag susulat? nagtatype ako ng articles? so I’m a typer! (corny…) well, lets get down to the topic and kick some Senatoriables ass!
Well, malapit na ang eleksyon, napakadaming poster na ang nagkalat, ngayon, i made this post para tuligsain ang mga TV ads ng mga magagaling nating senatoriables… Don’t get me wrong, i know magaganda naman ang intentions nyo mga pare kong senatoriables, i just made this just for fun… ayaw kong makatanggap ng death threats please? Now lets begin!
Tessie Aquino-Oreta (libreng preschool)
Sa kanyang TV ad, merong isang gusgusing bata ang gustong pumasok sa skul, malungkot na malungkot ang bata. Kaya naman siya ay inakay ng butihing Ginang Oreta at sinabi na bigyan naman natin ng pagkakataong makatungtong sa pre-school ang batang pulubi. Ngayon, ang akin lang napansin, pulubi ba ang batang yun? Kung mapapansin nyo, malusog na malusog ang pangangatawan ng bata, mas malusog pa siyang tignan sa mga batang may perang pampaaral. Bobo ang direktor ng nasabing TV ad, hindi nagiisip…
Edgardo Angara (Ang gara ng buhay)
Sa kanyang latest TV ad, edukasyon din ang kanyang tinalakay. dumaan siya sa mga bata at sinabi na siya ay maaaring maging doktor, guro, etc. At pag daan niya, ngingiti ang batang sinabihan niya. Grabe, ang ganda ng koryograpi! Ang gara ng buhay ng mga batang ito. pwede sa comercial ng toothpaste…
Ping Lacson (H.O.P.E.)
Ang TV add naman ng kagalang galang na si Ping Lacson ang pinaka simple, kumakantang babae lamang at mga mga scene na tumutulong si Ping. Kaso, mukhang ang sumulat ng lyrics ng kanta ay sina Willie Revillame at Joey de Leon, bakit? Because it has a double meaning! "Si Ping, ang kinabukasan! Si Ping, ang kinabukasan!" haha, mag siping daw tayo sa kinabukasan! Idol! Iboboto kita! 2 thumbs up!
Ginang Roco (May pagasa pa ang bagong Pilipinas)
kagabi ko lang napanuod ang TV add na ito. Sa tv add na ito, sinabi nya na siya ang asawa ng yumaong Raul Roco, ngunit ang talagang natutunan ko dito ay walang anak sa labas si Raul Roco. Bakit? kasi, sinabi niya na "Ako ang asawa ng dating Raul Roco, AT ANAK NG KANYANG MGA ANAK!" hehe. logically, walang anak sa labas si Raul Roco. Galing!
NoyNoy Aquino (Yellow Boy)
Sa Tv ad ni pareng noynoy, pinakita ang mga speeches nina Cory Aquino at Benigno Aquino. Pagkatapos, may nagsalita, "Si noynoy din ay may dugong bayani!" Tapos, pinakita ang kanyang kotse at nakasulat "1987, nabaril si noynoy aquino"? huh? anong klaseng kabayanihan yun????
Ralph Recto (Korecto!)
Ang Tv add naman ng ginoong recto ay dalawang side na nagsasayaw, isang ballroom side, at sa kabila ay hiphop. Maganda naman ang message ng kanyang TV add, ngunit, nag sinasabi na niya ang kanyang final word, mapapansin nyo sa background na nag iba ang mga itsura ng mga sumasayaw! naging guard, teacher at kung anu anu pa! Jesus Christ, may magic ang mga dancer ni pareng Ralph.
Mar Roxas (Mr. Palengke)
Walang masyadong bago, parang dinagdagan lang yung dating TV ad nya ng mga nagbabasketbol at sumasayaw na mga lalaki.
Mike Defensor (’tol!)
Eto ang pinaka nakakatakot sa lahat, sa kanyang TV ad, hindi manlang siya kumamay sa mga tao. Sabi nila "iboboto kita para senador!" sabay posing naman si tol! ganda ng ad mo tol! nalaman ko ang mga plataporma mo! Tapos, nang matapos na ang TV ad, pinakita niya satin ang kanyang malaking kamao, na tila nagsasabing, "iboto nyo ko or else!" nanay kupo katakut!
Chit Escudero (…)
Si pareng chit naman, mga student ang mga kabatak, pangako ng kanyang TV ad na matutulungan nya ang mga ito na makapag aral. Sana kung manalo ka, matupad mo yun. Wala akong masabi sa ad mo. Sorry. Wala akong maisip na joke.
Miguel Zubiri (amigo ng bayan!)
Sa kanyang TV ad, puro ngiti ang nakita ko sa kanya. at nalaman ko rin na meron palang mga doctor na bigay na bigay na mag boom tarat tarat. Ang saya.
Manny Villar (Sipag at Tiyaga)
Well, sa TV ad kuya Manny ako maraming natutunan. Natutunan ko na si manny villar ay medyo bopols, bakit? Eh kasi, nakikipag palakihan siya ng bangus sa isang tindero, mas malaki ang kanya, tapos may sumingit na isa pang tindero, may dalang mas malaking isda, ngunit hindi naman ito bangus, talo siya, ngunit nginitian lang nya ang mama. natutunan ko din dito na magaling siyang sumalo ng pala. At higit sa lahat, natutunan ko dn dito na magaling siyang sumayaw. Grabe kuya manny, yan ang mga qualities na kailangan para sa isang senador….
Prospero Pitchay (Itanim)
Ang TV ad ng mamang ito ay madaming version, ngunit isang version ang nakatawag ng pansin sakin. ang eksena: "Pangarap kong makapanggamot ng may sakit" wika ng matandang doktor, sumulpot mula sa kawalan si ginoong Pitchay, "Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo,, ako po si Prospero Pitchay, pro pinoy…" Ayan manong doktor, nag pramis si kuya prospero na magkakalat siya ng sakit para madami kang magamot…
Loren Legarda (…)
Ang theme ng TV ad na ito ay pangkaraniwan lang, nakikisama siya sa mahihirap, nagsasaka kahit puting puti ang damit… hay, hindi ako natutuwa sa tv ad na ito.
Sa mga Senatoriables na may TV ad pero wala dito:
Sorry, wag ka na magtampo…
Moral Lesson:
"Mga ginigiliw kong botante, malalaki na kayo, wag kayong magpadala sa magagandang tv ad, tignan nyo ang kanilang mga plataporma, past performances, at ang ugali nila nung wala pang eleksyon(natural na mabait yan pag campaign period!). At sana sa mga mananalong senador, ayusin nyo naman ang budget ng gobyerno para sa mga empleyado nila. para lumaki naman sahod ko T_T" -Kian the Menace