Kian and the Driver From Hell
Siguro of all the post that I created dito sa blog ko, ito lang ang seryoso… walang halong kalokohan…
Isang wala halos na tulog na gabi ang lumipas, ang tulog ko lang yata ay from 11pm to 12mn, then from 12 di na ko nakatulog dahil sa kasisisi sa sarili ko… ang resulta, para akong zombie. 4:30 am, I decided na bumangon na, kahit wala sa mood, naligo ako, at nag ayos para pumasok… Naglakad ako papuntang sakayan ng tricycle, wala parin ako sa sarili ko parang zombie parin, lumulutang ang isip ko. then a few minutes later, nakasakay na ko ng tricycle, then bumaba ng tricycle, then sumakay na ako ng bus. I still had the sadness, wala parin ako sa sarii ko. Then I said to my self, "This day is so perfect to die…", Tapos, umandar na ang bus, at ang nagpapandar ng bus ay ang Driver From Hell…
Nagulat ako sa mabilis na acceleration ng bus, napakabilis talaga! naisip ko tuloy yung inisip ko kanina na "…perfect day to die". Natakot ako, d ko inaasahang ganun ang mangyayari… Oh, God, ayaw ko pang mamatay… Humawak ako ng mahigpit sa hawakan… at di pa nakaka ahon ang bus namin sa Aguinaldo Highway, habang mabilis parin ang takbo ng bus, bumangga ang sinasakyan kong bus sa isa pang bus… CRASH! Di ko makalimutan ang sensation na naramdaman ko. Nadala ang katawan ko pa forward sa lakas ng impact… narinig ko ang mga sigaw ng mga pasahero… nagliparan ang maraming bubog sa bus…
Mabuti nalang at hindi ako sa bandang unahan naupo, kasi yung mga naupo dun ay naparaming sugat dahil sa basag na salamin…
Actually, this is the second time na nakaranas ako ng bus accident. yung accident na una ay binigyan ako ng minor cuts sa arms… At yung unang experience ko na yun ay talaga namang na trauma ako. natakot akong bumiyahe nun. almost 4 days akong takot na takot bumiyahe…
Sinwerte lang ako ngayon, mejo masakit lang yung chest ko kasi tumama sa harapang upuan, pero I’m OK, i knew it… siguro dahil i expected na mangyayari yun, kaya i braced my self for the collission(tama ba spelling?), kaya di ako masyadong nasaktan… Lumipat nalang ako ng bus na sinasakyan…
Ngayon, na realize ko na karma ko ito, karma sa mga nagawa kong pagkakamali… Ngayon ko napatunayan yung katagang "Be careful on what you wish for, cause you might get it…" Bakit ko nga ba sinabi na gusto ko nang mamatay?
God I’m so sorry… I learned my lessons na… I’ll never think or say those kinds of words again… Salamat po sa panibagong buhay…
February 7th, 2007 at 8:37 pm
hahaha…gago ka pala!!may pawish wish ka pang nalalalaman…babawiin rin pala
February 8th, 2007 at 3:19 pm
haha. salamat sa papuri!
February 25th, 2007 at 6:53 pm
tang inang yan.. buti di mo kasama si mang ed.. para pareho kayong bida dito sa opis gaya nung unang bangga ng bus na sinasakayan mo.. hehehe.. sayang sana naexperience mo ulit mapasok sa ospital sagot naman ni mang agustin eh… hehehe