LTO: License and Torture Office
Wednesday, March 14th, 2007Yesterday, pumunta ako sa LTO Imus para kumuha ng aking student license, dumating ako dun ng quarter to 11:00… Dahil weekdays, ang akala ko mabilis lang dahil konti lang ang mag aapply ng lisensya, tama ang aking hinala, konti nga lang, kayat ako ay nag isip na mag gala pagkatapos kong kumuha ng lisensya… subalit… Torture ang inabot ko… Bakit? narito ang aking kwento…
Pag dating ko sa LTO, pumila agad ako sa "window 2" para isubmit ang aking application form at birth certificate. Malapit na sana ako sa window ng mabasa ko ang mga requirements, kulang pala ako ng ID picture… Pakingshet, nakalimutan ko. So lumabas ako at nagpakodak, at ako ay pumila ulit sa window 2… kainis…
Matapos kong maibigay ang requirements, sinabi sakin ng clerk na: "tutoy, maupo ka muna at hintayin mong tawagin ang pangalan mo." agad naman kong umupo. at hinintay tawagin ang pangalan ko.
Sa awa ng Diyos, 12:00 na hindi pa ko natatawag. at dahil 12:00 na, lunch break na. Pambihirang patis talaga. Kaya ako ay nagpalipas ng oras sa panunuod ng TV, Eat Bulaga ang palabas. At habang naghihintay ka, pwede kang maupo sa kanilang wooden bench, na garantisadong sasakit ang pwet mo pag naupo ka ng mahigit sa 10 minuto…
Sumapit ang 1:00, bukas na ulit ang office. Pero parang wala pang balak magtrabaho ng mga tinamaan ng magaling na empleyado ng LTO. At exactly 1:40, tinawag ang pangalan ko:
"Bautista, Kristian, sa window 2!"
Tumayo agad ako at lumapit sa window 2, at kinausap ang clerk:
Kian: Ma’am san na po ako pupunta?
Clerk: Ikaw ba si Christian Bautista? Yung singer?
Kian: Hindi po, SAN NA PO AKO PUPUNTA!!
Clerk: hihi… sa window 11.
Sa wakas, nakagalaw din ang pwet ko. Pumunta ako sa window 11 para mag papicture. at sinabi sakin na, "maupo ka muna, tatawagin nalang kita…". BWISIT! UUPO NANAMAN AKO!
Mya mya, tinawag na ko para mapicturan. At pagkatapos, binigay sakin ang papers ko at ako ay kinausap:
Manong: Christian Bautista, kanta ka muna bago ka umalis.
Kian: … (Tangina nyong lahat) <— sa isip lang
Manong: hehe. Sige, sa harapan mo nalang antaying tawagin ang pangalan mo.
Pumunta ako sa harapan, at dito nagsimula ang tunay na TORTURE. Napakatagal bago natawag ang pangalan ko. Miya miya pa, ako ay tumingala para magdasal, pero ako ay nagulantang sa aking nakita na nakasulat sa itaas:
Kasalukuyan naming isinasagawa ang LTO - Information Technology System.
Kaya’t higit na magiging mas maganda ang serbisyong aming maibibigay sa inyo
Ako ay napanganga. At aking dinasal: "Ama, patawarin mo po sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa…"
And to make things worst, may tumabi sakin na Indian, at NAPAKABAHO! bwisit talaga, tumayo nalang ako sa likuran. At miya miya pa nakita ko na ang iba pang nakaupo sa tabi niya ay nagaalisan narin. Tinawag ang pangalan ko nung 2:45 na, at mainit na talaga ang ulo ko. So pumila ako, at lalo pang nagpainit sa ulo ko ay ang isang batang takbo ng takbo. At habang tumatakbo siya, sigaw pa ng sigaw. At pagkatapos ay sinuntok ng sinuntok ang hita ko. Parang sasabog na ang ulo ko sa inis. Konti nalang sasapakin ko na to. Pero nawala ang inis ko ng dumating ang kanyang ina, sinaway niya ang kanyang anak, At humingi ng tawad. At nang akin siyang tignan, wow, she’s my type (single moms)… cute nya!
Single mom: Sorry, ang kulit kasi nito eh…
Kian: OK lang po yun…
Single mom: Sorry talaga ha? kukuha ka din ng student license?
Kian: Opo, Ikaw po?
Single mom: Oo, ngayon palang ako kukuha eh..
Kian: ah ganun po ba? Uhhh, ano po ang name nyo? <— kapal ng mukha
Single mom: I’m Joy, and you?
Kian: I’m Kian!
Single mom: taga san ka?
Kian: sa may Dasma po.
Single mom: Ah, kami sa GMA pa, nag lunch ka na ba?
Oo nga pala, hindi pa ko kumakain. Nagusap kami, mejo marami din kaming napag usapan namin… hehe…
Nang matapos na ang pila, pinapunta ako sa window 1 para kunin na ang aking lisensya. Ngunit, wala pala akong makukuhang lisensya, tinatakan lang ang resibo ng "VALID AS STUDENT LICENSE", yun na ang student license ko. Resibo lang. Ito lang yung pinag laanan ko ng oras ko. Resibong may tatak lang. Bwisit kayong mga taga LTO kayo. Pero may napala naman ako kahit pano, Nilibre ako ni single mom ng palabok. Hihi. Sarap!
Moral Lesson
"Wala eh, may napulot ka bang aral dito?" - Kian the Menace