Nursing Student: Very Religious In a Funny Way!
Maraming kaugalian tayong mga katoliko na hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung para saan. Karamihan dito ay natutunan ko nung ako ay elementary at highschool pa lamang. Ako ay naguguluhan lamang. Sana ako’y inyong maintindihan.
Please don’t get me wrong, hindi ako anti-christ, i still believe in God, yun nga lang, hindi sa paniniwalang katoliko.
Nung ako ay elementary pa lamang, grade 3 ako noon, namigay ang titser namin sa religion, si Mrs. Lantil, ng isang babasahin. Ito ay tungkol sa pananampalataya ng katoliko. Nakasulat sa pamplet na ito ang pag sa sign of the cross. Ito daw ay isang paraan para mapaalis ang kaaway o di kaya naman ay para mapalayas ang demonyo.
Now, bakit kailangan nating gawin ang sign of the cross pag dumadaan tayo sa simbahan? Meron ba tayong kaaway dun o may demonyo ba dun? Ba ewan, ako kasi hindi ko ginagawa yun.
At isa pang nakakatawa sa sign of the cross na ginagawa natin at pag mag aAmen na, kasi diba, "In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit…" then Amen, ang ginagawa ay pinipitik natin ang baba natin, o kung anu man yun, ewan ko kung pinipitik o hinihimas ang baba. Bakit ganun? Well i have the explanation galing parin sa isang pamplet na nabasa ko from way back highschool days…
Kaya ganun kasi, we’re imitating the kissing of the rosary, pag kasi may hawak ka ng rosary, you are obligated to kiss the cross after you pray. And i can’t find any good reasons to do that. And, why pray the rosary? The fact na ang sabi ni Papa Jesus, pag nagpepray tayo, wag yung mahaba, wag yung maraming sinasabi, ang tinuro niyang dasal sa atin ay yung "Our Father", or "Ama Namin" sa tagalog. And praying the rosary tends to eat a lot of time. You have to pray "Hail Mary" alot of times. Tapos, the Hail Mary itself, it’s a prayer for Mary, to pray for us sinners… bakit kailangan pang padaanin kay Mama Mary ang pagdadasal? Pwede naman tayong humingi ng tawad directly to God diba? And the fact na yung tinuro satin ni Papa Jesus na prayer, yung Our Father, kasali na dun yung pag hingi ng tawad, "… give us today our daily bread and FORGIVE US ON OUR SINS…"
Sino nakaimbento ng rosary? And, correct me if I’m wrong, hindi ko nabasa sa Bible ang salitang "Rosary". Pati narin yung Hail Mary, hindi ko rin yata nabasa sa Bible.
Tapos, sinabi din sa Bible, wag sumamba sa "images", at huwag sumamba sa iba maliban lamang sa ating Diyos. Pero bakit ang mga katoliko sumasamba sa mga kahoy na rebulto na nakapako sa krus? sa mga santo? Well, sabi nila, parang representation lang daw yun ni Jesus, so parang sumasamba ka narin sa kanya. Pero ang nasa isip ko, san ba galing yung kahoy na yun? sa puno hindi ba? Pano naging representation ni Papa Jesus yung puno na yun? At kung hindi naging rebulto yung puno na yun, sasambahin mo parin ba yun? So kung gagawa ako ng rebulto na nakapako sa krus na gawa sa pandesal na kinakain ko ngayon pwede kong sambahin ang tinapay na sana ay nagpabusog sakin? Diba? Anung kaibahan nung kahoy na ginagamit natin sa pag gawa ng bahay, tulay sa ilog, baseball bat, kariton, etc. sa kahoy na ginamit sa pag gawa ng rebulto sa simbahan para sambahin natin ito?
Nanay kupo. Ano ba itong mga sinasabi ko, puro againsts sa Religion ko. Ngayon, ibahin na nga natin ang usapan. Marahil nagtataka kayo kung bakit ang title netong post na to eh "Nursing Student: Very Religious in a Funny Way". Well, ganito kasi yan…
Kaninang umaga, nakasakay ako sa bus, may katabi akong isang nursing student. Siya ay maputi, nakasalamin, at amoy orange ang pabango niya. Hmmmm…
Kung kayo ay di familiar sa Baclaran area, may simbahan dun, so dumaan dun ang bus, pagdaan ng bus namin sa simbahan, nag sign of the cross ang babae, ngayon, ang talagang nagpatawa sakin deep-inside ay nagkataong nag sign of the cross siya sa tapat ng MMDA Male Urinal na nataong nasa tapat din ng simbahan. Hehe. Ngayon malinaw na sakin. marahil may demonyo dun sa urinal, ganun na nga siguro yun…
Kitams, 2 paragraphs lang dapat ang post na to, pero napahaba ko sa panunuligsa sa paniniwalang katoliko. Paumanhin po sa mga namamanata sa paniniwalang katoliko. Nilabas ko lang ang aking mga saloobin. Patawad ang aking hinihingi sa mga nainis, nagalit, nabadtrip, nasura, at napamura.
Moral Lesson:
"Nakaka akit ang orange scent… nakakawala ng motion sickness sa bus…" -Kian the Menace
March 8th, 2007 at 12:43 am
hay kian, yung ibang question mo ay naitanong ko na din sa sarili ko. to think na galing ako sa catholic school run by dominican order mula elementary hanggang college, we pray before and after each subject(subject ha), rosary everyday and masses several times a week.i have no choice, dapat sumunod sa teacher.ang intindi ko lang, you make the sign of the cross pag tumatapat ng church as a sign of respect pro yung extra gesture sa lips ay palagay ko ginawa ng 1, ginaya ng lang ng iba, hehe.yung praying of the rosary ay ginawa marahil bilang pagkilala kay mary as the great intercessor to Jesus. malakas kasi si mama mary kay Jesus kaya if you pray to her, tutulungan nya tayo kay Jesus. Yun nga lang, di ko lang alam kung bakit repetitive ang prayers ng catholics, sometimes my mind wanders while praying the rosary kasi paulit ulit, nawawalan ako ng concentration kaya ewan ko kung mama mary still prays to Jesus for me. pero yung pagdadasal sa mga santo e tama ka dun, di ko rin maintindihan pero ginagawa ko rin. maybe it’s because we need something concrete para tumibay ang devotion natin.ewan, hehe, ginulo mo utak ko.
March 8th, 2007 at 12:52 am
hay naku kian panindigan ba ang pagiging ‘kristian’ nya..
kanya kanyang paniniwala yan di ba? marami ring practice ang ibang religion na mas nakkatawa pa..as long you’re not doing any harm to others, walang masama..
just be thankful at di nag sign of the cross ung nursing student ng makita ka.. hahahaha..
uwi ka naman ng mani..plssss.
March 15th, 2007 at 10:32 pm
ang aking melon sent ayaw mo…heheheheheheh
November 4th, 2007 at 1:13 am
nabasa ko kasi yung word na “nursing”, kala ko may sense yung sasabihin mo… hehehe…
November 5th, 2007 at 3:44 pm
Nyahay, wala kang mababasa dito na may sense… hehe