Archive for November, 2007

Kian: The Stand Up Comedian

Wednesday, November 7th, 2007

"… Isang maaliwalas na araw, naglalakad ako sa bayan ng Dasmariñas, may nakasalubong akong lalaking kalbo sa tapat ng Jollibee, may hawak siyang cellphone, at ito ay pilit na ibinibigay sakin, sabi ko agad sa sarili ko, ayus, naka - Jackpot ako! Agad kong kinuha ang cellphone, at sinubukang mag text… gumana naman, jackpot talaga! Inilagay ko sa bag ko ang cellphone at binalak na ipakita saking nanay… biglang  tumunog ang cellphone ng malakas, ang ringtone nito ay "We Are!", yung theme song ng One Piece…"

Shet! panaginip lang pala ang lahat… Alarm tone ko lang pala yung tumunog! Sayang ang cellphone… Nawala ng parang bula. Agad akong bumangon at mabilis na nag ayos, 4:15 am na pala nun, late na ko… Natapos akong mag ayos past 5:00 na, shet late na talaga… So ako ay naglakad, sumakay ng tricycle, and finally, nasa Dasma Bayan na ako para sumakay ng bus… Sa pag aantay ko ng bus, lahat ng dumadaan ay tayuan na, so no choice, kailangan kong tumayo para makarating agad sa office, at dito nanaman mag sisimula ang isang walang kwentang kabanata ng buhay ko…

Ako ay sumampa ng bus, at hinanda ang sarili sa mahabang pag tayo mula sa Dasma hannggang Vito Cruz. Napapwesto ako sa bandang gitna ng bus, nakatayo ako sa harapan ng dalawang girls na nag aaral sa Philippine Womens…

Nasa kalagitnaan na ko ng biyahe, napansin kong pigil na pigil ang tawa ng dalawa, sa di ko malamang kadahilanan, minsan naririnig ko ang bulungan nila, "uy, lilipad na… hihi…" talagang non-stop ang kanilang kasiyahan, habang ako ay tila nagdududa na kung ano ang kanilang pinagtatawanan, tila naisip ko, "Nakabukas ata ang zipper ko? lilipad na daw eh!", pero yon ay hindi pa confirmed…

Dumating ako sa Vito Cruz, pumasok sa office, at nag cr, sa awa naman ni Batman, bukas nga ang zipper ko… CONFIRMED… Shet…

Moral Lesson:

"Underneath your clothes, there’s an endless story…" -Shakira

Víspera de Todos los Santos Especial!

Saturday, November 3rd, 2007

Noong ako ay elementary pa lang, grades 1 to 3, ang buong klase namin ay pinagsusulat ng  titser (Grade 1 = Mrs Watson, Grade 2 =  Mrs. Malinis, Grade 3 =  Mrs. Janairo) ng mga bagay na pinag gagagawa namin sa nakaraang okasyon (Pasko, Bagong taon, Araw ng mga patay, etcetera…).  Nais kong ibalik ang panahong ako ay bata pa, kaya ako gumawa nanaman ng walang ka kwenta kwentang blog entry…

Sa istoryang ito, nais kong mag kwento tungkol sa mga nasaksihan kong mga bagay na humila saking atensyon… Sisimulan ko ito sa sementeryo sa guiguinto bulacan…

Tinawagan ko ang aking tita Nat-nat sa kanyang globe cellphone (8 pesos per minutes T_T) at sinabi nya na susunduin nya ko sa gate ng "Endless Love" cementery para mapuntahan ko ang puntod ng mahal nya sa buhay, at sa aking pag hihintay sa kanya sa gate, napansin ko na sangkatutak ang mga taong bihis na bihis… may mga Hip-hop, may naka jacket na akala mo eh me aircon sa sementeryo, may mga emo na kala mo eh kakukyut, at merong todo sa bihis na akala mo mamamasko. Para sa mababaw na katulad ko, kakaiba na ang tingin ko sa mga yun, kasi sementeryo lang naman ang pupuntahan at hindi party, hehe…

Dumating si tita, at kami ay pumasok na sa loob, may nakapaskil na banner sa harapan, "Bawal mag dala ng patalim, o anu mang bagay na makakasakit echos and chuvas", ngunit ilang hakbang pa lang ang nararating namin sa loob ng sementeryo, may nagtitinda ng "Pellet Gun". Nyahaha!

Matapos ang aking mabilis na dalaw sa Guiguinto, ako naman ay tumulak papuntang Pulilan, Bulacan… Pagbaba ko ng jeep sa kanto, madami agad tao, kasi malapit na dun yung sementeryo, lalong dumami nung nakarating ako malapit na mismo sa entrance, at takang taka ako, bakit hindi umuusad ang tao? nakakarinig na ko ng mga nagmumura sa bandang unahan, "Tang ina nyo! Tumabi muna kayo para makadaan yung mga tao!", sigaw ng isang mama sa unahan, mya mya pa eh umusad na ang mga tao papasok, nang makita ko kung ano yung nakaharang, isang nakakatawang mag ina ang nasa aking harapan. Si nanay, ay dala dalang salbabidang dolphin, at yung anak naman ay may dalang malaking bilog na salbabida… San kayang resort galing ang mga ito (o papunta), at anong ginagawa nila sa sementeryo? Dios Mio.

Ilang oras ang lumipas, nauhaw ako dahil sa init sa sementeryo, napag desisyunan kong bumili ng tubig… Pumunta ako sa isang tindahan, at bumili ng isang bote ng tubig, at tinanong ko kung pwedeng makahingi ng basong may yelo, sabi sakin piso daw ang isa… kumuha ang matandang tindera ng 3 baso, at kumuha ng yelo, gamit lamang ang kanyang garantisadong malinis na kamay, at nilagay sa baso… Shet.

At makalipas ulit ang ilang sandali, nagpabili naman ang aking inay ng sprite, ako ay bumili, hindi na ko dun bumili sa kinakamay yung yelo, tapos humingi ulit ako ng baso, so kumuha ang tindero ng baso, at kumuha ng yelo, awa naman ng diyos, kinamay ulit ang yelo. Bulshet. Di ata uso ata sa lugar na yun ang food sanitation ah…

Well, yun lang, paumanhin sa mababaw na mga kwento, antok na antok na kasi ako ngayon… (Partida, tulog ang utak habang nagtatype) Chaka, wala na munang moral lesson, antok na talaga, ZzZzzz…