Kian: The Starstruck Survivor!
Wednesday, December 12th, 2007Bata: Nay, ano po ang tagalog ng STAR?
Nanay: … (mukhang nagiisip)
Bata: Nay, ano po yung tagalog ng star?
Nanay: Parol anak…parol…
Ang eksenang nasa itaas ay nangyari 40 minutes ago habang tinatype ko ang kabulastugang ito… Isang kawawang bata ang naturuan ng maling kaalaman ng kanyang magulang…
At dahil magpapasko nanaman, at narinig ko ang salitang PAROL, may naalala nanaman akong isang pahina ng aking buhay…
Ang kwento ay naganap sa Laguna, nung doon pa kami nakatira, ako ay nagaaral pa noon sa Colegio de San Pedro, at ako ay 1st year Highschool pa lamang.
Nagpauso ang school namin ng "Christmas Lantern Parade", na katatampukan ng mga hindi interesadong estudyanteng kagaya ko. Pero dahil utos ng matandang Principal ng school, dapat itong sundin… Kaya sa subject naming T.H.E., pinagawa kami ng sarili naming parol… At siyempre, bibilhin namin kay ma’am ang mga materials. 200% sure, may kickback sila.
Tinuruan naman kaming gumawa, ang problema, hindi talaga ako talentado pagdating sa art. Di ako marunong mag drawing, wala akong kwenta pagdating sa mga designs, etc.
Pinauwi samin ng titser ang materials at binigyan kami ng deadline, dapat bukas tapos na ang parol, tangina nyang titser siya. Na ikinatuwa ko naman dahil pwede akong matulungan ng aking mommy sa pag gawa. Solve na ang problema ko, pero mali ang aking akala…
Dumating ako sa bahay, at nagpatulong saking ina sa pag gawa. Siya ang gumawa nung buntot ng parol dahil hindi nga ako marunong.
BUNTOT NG PAROL: SOLVED!
Ang problema ko nalang ay ang parol mismo. At dito na nagsimula ang aking malungkot na istorya.
Kian: Mami, tulungan mo naman ako dito sa pagkakabit ng mga stick para maging star
Mommy: Ikaw na, Nanunuod ako ng "Saan Ka man Naroroon", magkikita na kasi sina Rosario, Rosenda, at Rosemarie!
Ginawa ko ang star, at tulad ng aking inaasahan, hindi talaga maganda ang kinalabasan. SHET! Hinayaan ko nalang ang frame ng parol na medyo paling… Sabi ko sa sarili ko. dadaanin ko nalang sa balat mismo nung parol. Ngunit, ayaw mabanat nung plastic na pampaganda sana sa parol. Shet talaga.
Kian: Mami, pano ba to? hindi ko mabanat yung plastic na pambalot sa parol! Lukot lukot!
Mommy: Antayin mo si dadi, baka alam niya…
So ayun… inantay ko si Daddy, at mya mya pa, bumusina na siya at pinagbuksan ko ng gate, at siya ay pumasok na ng bahay.
Kian: Dadi, marunong ka ba neto? Di ko kasi mabanat yung plastic na pambalot dito sa parol.
Daddy: Sus, yan lang simple lang yan, nung bata ako gumagawa ako nyan eh.
Kian: pano?
Daddy: pagkakatanda ko nilalagyan yan ng gawgaw…
Kian: huh?
Hanggang sa natulog na silang lahat. At narealize ko na wala akong maaasahan kundi sarili ko… So ayun. ginawa ko ang bulshet na parol… At ang kinalabasan ay isang star na paling, at ang balot neto na kulay green ay lukot lukot. In short, pwedeng idisplay sa harap ng bahay kung gusto mong maging comedy ang Christmas Display mo.
Kinabukasan, Christmas Lantern Parade na! So pumarada kami… Napansin ko, talagang napakapangit ng gawa ko. Sabi ng karamihan ng classmate ko, bumili lang daw sila, Taragis, bat ba di ko naisip yun. Tangina. Tas may isa pang mama na nadaanan namin sa parada, ang sabi sakin:
mama: Boy, parol ba yan? Haha
Kian: Fuck You! ..I.,
Mya mya pa, natapos din ang parade, at masaya kong tinapon ang parol, sa basurahan, sa harap mismo ng Principals office… Kawawa naman yung parol ko.
Moral Lesson:
"Pag pinagawa kayo ng parol ng titser mo, bumili ka nalang kagaya ng gagawin ng mga classmates mo…" - KianTheMenace