My Wallet… Vow…
Nais kong magkwento tungkol sa aking wallet… Ang wallet ko ay kulay black na Penshoppe, may kalumaan na ito, pagkakatanda ko 3rd year Highschool pa ko nung binili sakin ito ng aking inay… Ngayon, kung bubusisiin mo ang laman, marami ka ditong makikita:
- Ticket sa Mr. and Ms. PCU 2003 - Ticket na di ko malaman kung bakit tinatago ko pa
- Balat ng Maxx(red) - Bigay ata to nung crush ko noon na taga Dasma… Di ko alam na nandito pa pala ito, kaya tinapon ko na…
- Deposit Slip ng Equitable PCI
- Isang maliit na papel na naglalaman ng telephone number ng Landbank
- Dalawang ampao, mula pa nung last last Christmas, mula kay Ninang Ren Estrella, at yung isa walang nakalagay, di ko maalala kung sino me bigay.
- Clearance ng Computer Science Society (year 2005)
- Ticket ng "Raffle for a Cause"
- Resibong hindi ko na mabasa, kumupas na, malamang may sentimental value ito kaya nasa wallet ko. kaso di ko na talaga mabasa.
- Resibo ng tuition ko,2nd sem, year 2003. P 3,704.00 ang price
- Ticket ng bus, lumang luma na… di ko ma recall kung san ako papunta neto… malamang sa bulacan.
- 100 peso na load (Globe). Regalo sakin to ng aking Nanay Norma.
- 2×2 Picture ko na mukhang adik… taken 4th year HS palang ako. Kumupas na ang kulay kaya kumalat yung kulay ng damit kong color blue
- Nametag ko sa Christian Formation Retreat namin sa school. "Roel" ang pangalan ko.
- Resibo ng withrawal transaction ko nung unang sweldo ko sa Big-R, sa Pilipinas Bank ako nag withraw. Di ko na mabasa kung magkano ang winidraw ko.
- Ticket ng "True Faith" Concert sa school, dated February 28, 2003
- BPI Express Cash Card ko na Nag expire noong September 2006
December 13th, 2007 at 12:13 am
la kwenta
December 13th, 2007 at 3:42 am
La talaga wenta to dahil dumating si Director habang tinatype ko to. Di ko tapos.