Ang babae sa TV… Vow…
Isang gabi, habang ako ay nag lalaro ng PSP, may isang "speech" na narinig ko sa TV ang nag papantig sa tenga ko… Ang sabi ng boses ng babae: "Huwag daanin sa chismis ang paninira sa akin, maglabas ng EBIDENSYA, at padaanin sa KORTE ang laban!"
Marahil, inyong naitatanong, ano naman kaya ang meron sa linyang ito na pinakawalan ng isang babae na nasa TV? Nakakatawa kasi… Parang hindi na siya nag isip kung dapat ba nyang sabihin yun o sinabi lang nya yun para makapag pasikat sa mga tao sa TRECE MARTIRES… Ano nga ba ang mali sa sinabi nyang yun? Himayin natin ang bawat salita…
"Huwag daanin sa CHISMIS"
Anu ba ang chismis? Yun bang nangurakot sila ng asawa nya ng katakutkakot mula sa kaban ng mamamayan? Chismis pa ba yun? Wala na kong masasabi pa dito…
"Maglabas ng EBIDENSYA"
Isang ka-GAGUHAN… Sinong tanga’t kalahating tarantado ang mag iiwan ng ebidensya kung mangungurakot ka? Mag iiwan ka ba ng isang kasulatan pag nangupit ka sa pera ng bayan? Diba wala namang resibo yun? Kung may ebidensya ang pangungurakot, mangilan ngilan nalang ang matitira sa kongreso, senado, at kung saang saang ahensya ng gobyerno ang matitira, malamang nahuli nang lahat at nakakulong na sila… At kung may resibo ang pangungupit, malamang nalaman na ng Mommy ko na kumuha ako ng bente pesos sa wallet nya kaninang umaga… Isa lang naman ang basehan ko ng katotohanan, ito ay ang kredebilidad ng isang testigo, testigong lalaki na iyak ng iyak… Na kahit na anong paikot-ikot na tanong eh masasabi mong hindi salu-salungat ang sagot… Hindi kagaya nung matabang leader ng pulis, at kanyang mga kasama… Nabubulol, nakakatawa lang pag sumagot…
"Idaan sa KORTE ang laban!"
Ito ang madalas na isinisigaw ng mga kaalyado at ng anak ng babae sa TV… Bakit nga ba gusto nila na sa korte idaan ang laban at hindi sa senado? Ganito yan sa aking pananaw: Ang mga hahawak kasi ng kasong ito ay yun ding mga iniluklok nung babae sa TV, malinaw na may kontrol siya sa kahihinatnan ng kaso… At isa pang bagay, tulad ng nabanggit ko kanina, walang ebidensya kundi mga sinasabi ng isang lalaki na iyak ng iyak… Ang kailangan kasi ng korte, EBIDENSYA, hindi testimony lang. At dahil walang ebidensya, ibabasura ng korte ang kaso. Kaya talo nanaman ang taong bayan dito… At masaya nanaman ang babae sa TV…
Sa ibang dako naman, may naganap na rally sa Makati last Friday, at bago ang rally, nangako ang PNP na hindi nila haharangin ang lahat ng gustong mag rally sa Makati. Pero hindi ganun ang nangyari… Hinarang ng kapulisan ang mga estudyante na galing sa Cavite, hinarang nila ang mga galing ng laguna, at hinarang nila ang mga nanggaling sa NLEX at SLEX. At isang nakakatawa pang balita ang nabasa ko sa dyaryo, meron daw nasiraan na bus sa may Makati bago mag simula ang rally, ang nakakatawa dito, ang bus eh nakaharang HORIZONTALY sa gitna ng kalsada… Naparalisa tuloy ang traffic sa buong makati… Ayun, walang nakapasok na raliyista… Obvious na sinadya ito. At isa pa, Ginawa ng ATO (Air Transportation Office) na "No Fly Zone" ang Makati during the rally, hindi tuloy nakunan ng ABS CBN ang areal view ng rally… Obvious din na ayaw nila itong ipakita… Ang dahilan daw eh "For Safety Purposes" tangna nila.
Moral Lesson:
Power = Corruption
Absolute Power = Absolute Corruption
March 4th, 2008 at 7:00 pm
lol idol talaga kita pagdating sa mga blog mo ehehe
March 31st, 2008 at 1:07 am
parang hindi ka naman masyado galit sa babae sa tv….
April 25th, 2008 at 11:33 pm
antagal naman ng kasunod…
btw… i tagged u… pls check out my site… http://digitalcatharsis.worspress.com