LTO: License and Torture Office

March 14th, 2007 by pokemonstriker

Yesterday, pumunta ako sa LTO Imus para kumuha ng aking student license, dumating ako dun ng quarter to 11:00… Dahil weekdays, ang akala ko mabilis lang dahil konti lang ang mag aapply ng lisensya, tama ang aking hinala, konti nga lang, kayat ako ay nag isip na mag gala pagkatapos kong kumuha ng lisensya… subalit… Torture ang inabot ko… Bakit? narito ang aking kwento…

Pag dating ko sa LTO, pumila agad ako sa "window 2" para isubmit ang aking application form at birth certificate. Malapit na sana ako sa window ng mabasa ko ang mga requirements, kulang pala ako ng ID picture… Pakingshet, nakalimutan ko. So lumabas ako at nagpakodak, at ako ay pumila ulit sa window 2… kainis…

Matapos kong maibigay ang requirements, sinabi sakin ng clerk na: "tutoy, maupo ka muna at hintayin mong tawagin ang pangalan mo." agad naman kong umupo. at hinintay tawagin ang pangalan ko.

Sa awa ng Diyos, 12:00 na hindi pa ko natatawag. at dahil 12:00 na, lunch break na. Pambihirang patis talaga. Kaya ako ay nagpalipas ng oras sa panunuod ng TV, Eat Bulaga ang palabas. At habang naghihintay ka, pwede kang maupo sa kanilang wooden bench, na garantisadong sasakit ang pwet mo pag naupo ka ng mahigit sa 10 minuto…

Sumapit ang 1:00, bukas na ulit ang office. Pero parang wala pang balak magtrabaho ng mga tinamaan ng magaling na empleyado ng LTO. At exactly 1:40, tinawag ang pangalan ko:

"Bautista, Kristian, sa window 2!"

Tumayo agad ako at lumapit sa window 2, at kinausap ang clerk:

Kian: Ma’am san na po ako pupunta?

Clerk: Ikaw ba si Christian Bautista? Yung singer?

Kian: Hindi po, SAN NA PO AKO PUPUNTA!!

Clerk: hihi… sa window 11.

Sa wakas, nakagalaw din ang pwet ko. Pumunta ako sa window 11 para mag papicture. at sinabi sakin na, "maupo ka muna, tatawagin nalang kita…". BWISIT! UUPO NANAMAN AKO!

Mya mya, tinawag na ko para mapicturan. At pagkatapos, binigay sakin ang papers ko at ako ay kinausap:

Manong: Christian Bautista, kanta ka muna bago ka umalis.

Kian: … (Tangina nyong lahat) <— sa isip lang

Manong: hehe. Sige, sa harapan mo nalang antaying tawagin ang pangalan mo.

Pumunta ako sa harapan, at dito nagsimula ang tunay na TORTURE. Napakatagal bago natawag ang pangalan ko. Miya miya pa, ako ay tumingala para magdasal, pero ako ay nagulantang sa aking nakita na nakasulat sa itaas:

Kasalukuyan naming isinasagawa ang LTO - Information Technology System.

Kaya’t higit na magiging mas maganda ang serbisyong aming maibibigay sa inyo

Ako ay napanganga. At aking dinasal: "Ama, patawarin mo po sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa…"

And to make things worst, may tumabi sakin na Indian, at NAPAKABAHO! bwisit talaga, tumayo nalang ako sa likuran. At miya miya pa nakita ko na ang iba pang nakaupo sa tabi niya ay nagaalisan narin. Tinawag ang pangalan ko nung 2:45 na, at mainit na talaga ang ulo ko. So pumila ako, at lalo pang nagpainit sa ulo ko ay ang isang batang takbo ng takbo.  At habang tumatakbo siya, sigaw pa ng sigaw. At pagkatapos ay sinuntok ng sinuntok ang hita ko. Parang sasabog na ang ulo ko sa inis. Konti nalang sasapakin ko na to. Pero nawala ang inis ko ng dumating ang kanyang ina, sinaway niya ang kanyang anak, At humingi ng tawad. At nang akin siyang tignan, wow, she’s my type (single moms)… cute nya!

Single mom: Sorry, ang kulit kasi nito eh…

Kian: OK lang po yun…

Single mom: Sorry talaga ha? kukuha ka din ng student license?

Kian: Opo, Ikaw po?

Single mom: Oo, ngayon palang ako kukuha eh..

Kian: ah ganun po ba? Uhhh, ano po ang name nyo? <— kapal ng mukha

Single mom: I’m Joy, and you?

Kian: I’m Kian!

Single mom: taga san ka?

Kian: sa may Dasma po.

Single mom: Ah, kami sa GMA pa, nag lunch ka na ba?

Oo nga pala, hindi pa ko kumakain. Nagusap kami, mejo marami din kaming napag usapan namin… hehe…

Nang matapos na ang pila, pinapunta ako sa window 1 para kunin na ang aking lisensya. Ngunit, wala pala akong makukuhang lisensya, tinatakan lang ang resibo ng "VALID AS STUDENT LICENSE", yun na ang student license ko. Resibo lang. Ito lang yung pinag laanan ko ng oras ko. Resibong may tatak lang. Bwisit kayong mga taga LTO kayo. Pero may napala naman ako kahit pano, Nilibre ako ni single mom ng palabok. Hihi. Sarap!

Moral Lesson

"Wala eh, may napulot ka bang aral dito?" - Kian the Menace

Nursing Student: Very Religious In a Funny Way!

March 7th, 2007 by pokemonstriker

Maraming kaugalian tayong mga katoliko na hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung para saan. Karamihan dito ay natutunan ko nung ako ay elementary at highschool pa lamang. Ako ay naguguluhan lamang. Sana ako’y inyong maintindihan.

Please don’t get me wrong, hindi ako anti-christ, i still believe in God, yun nga lang, hindi sa paniniwalang katoliko.

Nung ako ay elementary pa lamang, grade 3 ako noon, namigay ang titser namin sa religion, si Mrs. Lantil, ng isang babasahin. Ito ay tungkol sa pananampalataya ng katoliko. Nakasulat sa pamplet na ito ang pag sa sign of the cross. Ito daw ay isang paraan para mapaalis ang kaaway o di kaya naman ay para mapalayas ang demonyo.

Now, bakit kailangan nating gawin ang sign of the cross pag dumadaan tayo sa simbahan? Meron ba tayong kaaway dun o may demonyo ba dun? Ba ewan, ako kasi hindi ko ginagawa yun.

At isa pang nakakatawa sa sign of the cross na ginagawa natin at pag mag aAmen na, kasi diba, "In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit…" then Amen, ang ginagawa ay pinipitik natin ang baba natin, o kung anu man yun, ewan ko kung pinipitik o hinihimas ang baba. Bakit ganun? Well i have the explanation galing parin sa isang pamplet na nabasa ko from way back highschool days…

Kaya ganun kasi, we’re imitating the kissing of the rosary, pag kasi may hawak ka ng rosary, you are obligated to kiss the cross after you pray.  And i can’t find any good reasons to do that. And, why pray the rosary? The fact na ang sabi ni Papa Jesus, pag nagpepray tayo, wag yung mahaba, wag yung maraming sinasabi, ang tinuro niyang dasal sa atin ay yung "Our Father", or "Ama Namin" sa tagalog. And praying the rosary tends to eat a lot of time. You have to pray "Hail Mary" alot of times. Tapos, the Hail Mary itself, it’s a prayer for Mary, to pray for us sinners… bakit kailangan pang padaanin kay Mama Mary ang pagdadasal? Pwede naman tayong humingi ng tawad directly to God diba? And the fact na yung tinuro satin ni Papa Jesus na prayer, yung Our Father, kasali na dun yung pag hingi ng tawad, "… give us today our daily bread and FORGIVE US ON OUR SINS…"

Sino nakaimbento ng rosary? And, correct me if I’m wrong, hindi ko nabasa sa Bible ang salitang "Rosary". Pati narin yung Hail Mary, hindi ko rin yata nabasa sa Bible.

Tapos, sinabi din sa Bible, wag sumamba sa "images", at huwag sumamba sa iba maliban lamang sa ating Diyos. Pero bakit ang mga katoliko sumasamba sa mga kahoy na rebulto na nakapako sa krus? sa mga santo? Well, sabi nila, parang representation lang daw yun ni Jesus, so parang sumasamba ka narin sa kanya. Pero ang nasa isip ko, san ba galing yung kahoy na yun? sa puno hindi ba? Pano naging representation ni Papa Jesus yung puno na yun? At kung hindi naging rebulto yung puno na yun, sasambahin mo parin ba yun? So kung gagawa ako ng rebulto na nakapako sa krus na gawa sa pandesal na kinakain ko ngayon pwede kong sambahin ang tinapay na sana ay nagpabusog sakin? Diba? Anung kaibahan nung kahoy na ginagamit natin sa pag gawa ng bahay, tulay sa ilog, baseball bat, kariton, etc. sa kahoy na ginamit sa pag gawa ng rebulto sa simbahan para sambahin natin ito?

Nanay kupo. Ano ba itong mga sinasabi ko, puro againsts sa Religion ko. Ngayon, ibahin na nga natin ang usapan. Marahil nagtataka kayo kung bakit ang title netong post na to eh "Nursing Student: Very Religious in a Funny Way". Well, ganito kasi yan…

Kaninang umaga, nakasakay ako sa bus, may katabi akong isang nursing student. Siya ay maputi, nakasalamin, at amoy orange ang pabango niya. Hmmmm…

Kung kayo ay di familiar sa Baclaran area, may simbahan dun, so dumaan dun ang bus, pagdaan ng bus namin sa simbahan, nag sign of the cross ang babae, ngayon, ang talagang nagpatawa sakin deep-inside ay nagkataong nag sign of the cross siya sa tapat ng MMDA Male Urinal na nataong nasa tapat din ng simbahan. Hehe. Ngayon malinaw na sakin. marahil may demonyo dun sa urinal, ganun na nga siguro yun…

Kitams, 2 paragraphs lang dapat ang post na to, pero napahaba ko sa panunuligsa sa paniniwalang katoliko. Paumanhin po sa mga namamanata sa paniniwalang katoliko. Nilabas ko lang ang aking mga saloobin. Patawad ang aking hinihingi sa mga nainis, nagalit, nabadtrip, nasura, at napamura.

Moral Lesson:

"Nakaka akit ang orange scent… nakakawala ng motion sickness sa bus…" -Kian the Menace

Senatoriables: Comercial Artist?

February 25th, 2007 by pokemonstriker

Foreward:

Matapos ang drama sa last post ko, na realize ko na hindi ko dapat na i allow na i devour ng sadness ang life ko… i have to move forward and do what i do before, just like this blog! A lot of people say na "I’m a writter", pero ang sabi ko, hindi naman ako nag susulat? nagtatype ako ng articles? so I’m a typer! (corny…) well, lets get down to the topic and kick some Senatoriables ass!

Well, malapit na ang eleksyon, napakadaming poster na ang nagkalat, ngayon, i made this post para tuligsain ang mga TV ads ng mga magagaling nating senatoriables… Don’t get me wrong, i know magaganda naman ang intentions nyo mga pare kong senatoriables, i just made this just for fun… ayaw kong makatanggap ng death threats please? Now lets begin!

Tessie Aquino-Oreta (libreng preschool)

Sa kanyang TV ad, merong isang gusgusing bata ang gustong pumasok sa skul, malungkot na malungkot ang bata. Kaya naman siya ay inakay ng butihing Ginang Oreta at sinabi na bigyan naman natin ng pagkakataong makatungtong sa pre-school ang batang pulubi. Ngayon, ang akin lang napansin, pulubi ba ang batang yun? Kung mapapansin nyo, malusog na malusog ang pangangatawan ng bata, mas malusog pa siyang tignan sa mga batang may perang pampaaral. Bobo ang direktor ng nasabing TV ad, hindi nagiisip…

Edgardo Angara (Ang gara ng buhay)

Sa kanyang latest TV ad, edukasyon din ang kanyang tinalakay. dumaan siya sa mga bata at sinabi na siya ay maaaring maging doktor, guro, etc. At pag daan niya, ngingiti ang batang sinabihan niya. Grabe, ang ganda ng koryograpi! Ang gara ng buhay ng mga batang ito. pwede sa comercial ng toothpaste…

Ping Lacson (H.O.P.E.)

Ang TV add naman ng kagalang galang na si Ping Lacson ang pinaka simple, kumakantang babae lamang at mga mga scene na tumutulong si Ping. Kaso, mukhang ang sumulat ng lyrics ng kanta ay sina Willie Revillame at Joey de Leon, bakit? Because it has a double meaning! "Si Ping, ang kinabukasan! Si Ping, ang kinabukasan!" haha, mag siping daw tayo sa kinabukasan! Idol! Iboboto kita! 2 thumbs up!

Ginang Roco (May pagasa pa ang bagong Pilipinas)

kagabi ko lang napanuod ang TV add na ito. Sa tv add na ito, sinabi nya na siya ang asawa ng yumaong Raul Roco, ngunit ang talagang natutunan ko dito ay walang anak sa labas si Raul Roco. Bakit? kasi, sinabi niya na "Ako ang asawa ng dating Raul Roco, AT ANAK NG KANYANG MGA ANAK!" hehe. logically, walang anak sa labas si Raul Roco. Galing!

NoyNoy Aquino (Yellow Boy)

Sa Tv ad ni pareng noynoy, pinakita ang mga speeches nina Cory Aquino at Benigno Aquino. Pagkatapos, may nagsalita, "Si noynoy din ay may dugong bayani!" Tapos, pinakita ang kanyang kotse at nakasulat "1987, nabaril si noynoy aquino"? huh? anong klaseng kabayanihan yun????

Ralph Recto (Korecto!)

Ang Tv add naman ng ginoong recto ay dalawang side na nagsasayaw, isang ballroom side, at sa kabila ay hiphop. Maganda naman ang message ng kanyang TV add, ngunit, nag sinasabi na niya ang kanyang final word, mapapansin nyo sa background na nag iba ang mga itsura ng mga sumasayaw! naging guard, teacher at kung anu anu pa! Jesus Christ, may magic ang mga dancer ni pareng Ralph.

Mar Roxas (Mr. Palengke)

Walang masyadong bago, parang dinagdagan lang yung dating TV ad nya ng mga nagbabasketbol at sumasayaw na mga lalaki.

Mike Defensor (’tol!)

Eto ang pinaka nakakatakot sa lahat, sa kanyang TV ad, hindi manlang siya kumamay sa mga tao. Sabi nila "iboboto kita para senador!" sabay posing naman si tol! ganda ng ad mo tol! nalaman ko ang mga plataporma mo! Tapos, nang matapos na ang TV ad, pinakita niya satin ang kanyang malaking kamao, na tila nagsasabing, "iboto nyo ko or else!" nanay kupo katakut!

Chit Escudero (…)

Si pareng chit naman, mga student ang mga kabatak, pangako ng kanyang TV ad na matutulungan nya ang mga ito na makapag aral. Sana kung manalo ka, matupad mo yun. Wala akong masabi sa ad mo. Sorry. Wala akong maisip na joke.

Miguel Zubiri (amigo ng bayan!)

Sa kanyang TV ad, puro ngiti ang nakita ko sa kanya. at nalaman ko rin na meron palang mga doctor na bigay na bigay na mag boom tarat tarat. Ang saya.

Manny Villar (Sipag at Tiyaga)

Well, sa TV ad kuya Manny ako maraming natutunan. Natutunan ko na si manny villar ay medyo bopols, bakit? Eh kasi, nakikipag palakihan siya ng bangus sa isang tindero, mas malaki ang kanya, tapos may sumingit na isa pang tindero, may dalang mas malaking isda, ngunit hindi naman ito bangus, talo siya, ngunit nginitian lang nya ang mama. natutunan ko din dito na magaling siyang sumalo ng pala. At higit sa lahat, natutunan ko dn dito na magaling siyang sumayaw. Grabe kuya manny, yan ang mga qualities na kailangan para sa isang senador….

Prospero Pitchay (Itanim)

Ang TV ad ng mamang ito ay madaming version, ngunit isang version ang nakatawag ng pansin sakin. ang eksena: "Pangarap kong makapanggamot ng may sakit" wika ng matandang doktor, sumulpot mula sa kawalan si ginoong Pitchay, "Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo,, ako po si Prospero Pitchay, pro pinoy…" Ayan manong doktor, nag pramis si kuya prospero na magkakalat siya ng sakit para madami kang magamot…

Loren Legarda (…)

Ang theme ng TV ad na ito ay pangkaraniwan lang, nakikisama siya sa mahihirap, nagsasaka kahit puting puti ang damit… hay, hindi ako natutuwa sa tv ad na ito.

Sa mga Senatoriables na may TV ad pero wala dito:

Sorry, wag ka na magtampo…

Moral Lesson:

"Mga ginigiliw kong botante, malalaki na kayo, wag kayong magpadala sa magagandang tv ad, tignan nyo ang kanilang mga plataporma, past performances, at ang ugali nila nung wala pang eleksyon(natural na mabait yan pag campaign period!). At sana sa mga mananalong senador, ayusin nyo naman ang budget ng gobyerno para sa  mga empleyado nila. para lumaki naman sahod ko T_T" -Kian the Menace

Kian the Menace Bids Goodbye

February 16th, 2007 by pokemonstriker

Wow, parang kahapon lang when i first posted my first post dito sa blog. Trip trip lang yun and eventualy naging hobby ko ang magsulat ng kung anu anung pangyayari sa buhay ko. Unfortunately, all stars has an end, nakakalungkot pero im closing this blog. This will be my last post in my blog. Well, bakit? kasi…

Nung bago-bago palang itong blog ko, there was a girl whom always reading my posts. tuwing nababasa nya yung blog ko tuwang tuwa siya, tapos naalala ko pa nun, nilagay niya sa shoutout nya, "The best talaga ang blog ni Kian!", and i received a lot of compliments from her. Yun ang nag inspire sakin to continue posting my misadventures. masaya kasi ako pag napapasaya ko siya. So i posted a lot of my misadventures to make her happy. (although one of them made her cry).

And now na I let her go, i guess wala nang dahilan para ituloy ko to. Kasi, every time i post an entry, ang nasa isip ko "mapangiti ko manlang sana siya kahit konti". Parang di ko kayang makapag isip ng ilalagay dito kung di ko iicpin na para sa kanya to.

I miss her na nga eh. Wala nang nagtetext sakin, "Kagigicng ko lang by, naglunch ka na?", "Nakasakay ka na ba ng bus?", "w8, di pa ko unli by, w8 mo ko ha?". Kahit paulit ulit araw araw di ako nagsasawa… I hate to admit but, I really miss her. huhu.

Hay, kahapon, i was so inspired of writting a story of mine. ang haba nun! so I told her that i updated my blog, and i have a special section there for her… Kaya lang, yung dating compliments, d ko natanggap. Actualy matagal na nga siyang hindi nagcocoment dito. But what can I do?

Kahapon, I’m so inspired. Ngayon I’m so down. Hay. Thats life naman. The higher you get in the happiness you have, the harder you’ll fall pag natapos ang iyong kaligayahan.

Conclusion:

Well, finally, i want to thank all the people who waste este, who spend time reading my blog… Kahit yung mga di ko kakilala, i also receved compliments from them. salamat! Kahit na yung iba eh may panlalait din. hehe. Thanks for reading! So pano, hanggang dito na lamang… Hanggang sa muli… Goodbye! (*iyak*) -Kian the Menace

Love story of a Frog….

February 14th, 2007 by pokemonstriker

Once upon a time, in a forest, there was a lonely frog sitting in a rock in the middle of a pond. The frog seems to be satisfied on his life, watching other frogs swim, hop, find their mates, while he sits all day alone in the lonesome rock.

One day, the frog realized that he can’t continue his life in this manner. So he decided to leave the rock, and find someone to be his partner.

On his journey, he met a lot of animals in the wild, then the frog immediately fall in love with a cow. He fell in love with this cow because the cow always makes him laugh, and cares for him alot. And despite of their differences. they stay steady for about 3 months.

But suddenly, the cow changed. The cow always always find a way to bug the frog out of her way. And eventualy, the frog let go of the cow. The frog cries all night, bearing the sadness of his first heartbreak.

Some year later, the frog met an owl. They became friends and the frog seems to be falling in love again. But the frog is so confused at the moment, he doesn’t want his heart to be broken again… But he said to himself, "kokak kokak kokak" which transalte to "I have to try again, I love Ms. Owl and i want to be with her for the rest of my life…", so the frog courted the owl, and finally, the owl fell in love with the frog…

The relationship seems to be strong, every waking day seems to be happier than yesterday, but the frog shows so much love, the frog seems to love the owl more than himself. He skip meals just to save money for simple gifts, he skips classes just to be with her, and eventually, his life becomes a big big mess…

But all the sacrifices seems to be not enough for the owl. The owl dated a Carabao, the carabao comes from a rich family, and he’s from a prestigious school in the forest. The owl said that they are just seeing each other, and they are just friends. Jelous as he is, the frog envyed the dates of the owl and the carabao. And one day, the frog ask the owl for a date, it was in August 21, 2003, the owl say yes. The frog became excited! The owl and the frog never dated again for a long time! They decided to have a date tomorrow in a mall in the civilized part of the forest. The frog, as expected, bought things to make the owl happy, (flowers and a huge heart pillow).

The day of their date comes, the frog comes early as usual, their meeting time is 11:30, he arrives at 10:30, what an idiot… he waited an hour, but unfortunately, the owl didn’t show up. The frog tries to call the owl, he’s worried, but the owls cellphone is turned off. Two hours later, the frog decided to go home. And on the way home, he received a message from the owl. "Im so sorry babe, carabao texted me that we need to meet. And i forgot about our date, im sorry." the frogs feeling is so hurt. And he gave the flowers and the heart pillow to a pig, a street beggar. Waste of money.

They texted that night, and the owl asks for her freedom. She said that she seems to be tired of being with the frog… and the frog let her go. And cried all night again. The following day, while walking on the way home, the frog met the owl, and the owl is with the carabao. the owl seems to be embarassed. and the frog almost cried. the frog returned to his rock, enduring the stabbing pain in his pity heart…

The frog decided to forget about love. 3 years have past, the frog loved no one but himself. But a fateful day in January 2006, the frog’s aunt introduced him to a friend of her, a dove… the dove makes the frog happy each time they talked. and again, the frog fell in love. And out of that love, the frog composed a poem, dedicated to the dove…

A Day I Wont Forget
By Frog Boy

Tuesday, the day when i met
you, my angel.
Knowing you just made my day
When i look into your eyes
i’ve seen
my day would be bright as Polaris.

I can see the things you don’t
want me to know
I can see the feelings that
you don’t show
When your hand slide down to
my hands,
The feelings of LOVE will
show again.

Since then…
Happy & content is how i
feel with you
You never want me to be in
sorrow
You try to please me in every
way
Which make me love you more
each day.

Since then…
You are in my thought both
day & night
You bring in my morning light
When sleep consumes me, you
are near
Either on my mind or being
just there.

My dreams have been sweeter
since i met you
That day is a day i will
never forget
If i had a day to live over
again
That day in May is where i’d
choose to start again
I LOVE YOU Dove

The poem was soley dedicated to the dove, despite of the wrong grammars, he still dedicate it to her…

The frog always says to the dove that he love her, but everytime he said his feelings, the dove seems to be not interested. so apparently, the frog gave up the feelings for her. (the frog seems to be impatients when it comes to love) but later, when the frogs feeling was almost gone, the frog found out that she loves him too. and that hurts… its too late… and later on, the dove send back the poem to the frog. which really hurt his feelings more.

The Best Love Story Begins Here!

*ommited…

Frog’s message to readers:

Well, ummm, thanks for reading this long long story of mine, who’s the frog anyways? you have no idea huh? well, maybe he’s a guy who hates frog so much… and oh, sorry for the wrong grammar, spelling, wrong words usage, and any errors on this story. I’m just a frog, im not perfect. frogs commits mistakes too! And this is the first time that i made paragraphs that reached this long in plain english! So long! kokak! kokak! kokak!

My First Encounter With An Alien

February 8th, 2007 by pokemonstriker

Kahapon, uwian, nakasakay ako ng bus na swerte namang may isa pang upuan para sakin. isang upuan sa pang dalawahan, sa bandang gitna. At maniniwala ba kayo na ang nakatabi ko ay isang alien?

Ang alien na tinutukoy ko ay hindi nanggaling sa outer space, siya ay nanggaling sa Canada. Pano ko nalaman na galing ng Canada? Eh kinausap ako nung alien eh. hehe.

Nagsimula ito nang makarating kami sa Coastal Raod, halos kareregister ko lang nun sa bwisit na unlimited text ng Smart. Ngunit napakalungkot dahil ang Christa ko ay matutulog daw. so ayun, wala na akong magawa. Kaya nanuod nalang ako ng Full House sa TV onboard nung bus. Ngunit nagulat ako at nanlamig, kinausap ako ng Alien! Ang alien ay mukhang 30+ years old, at maputi… at eto ang aming usapan… (ang usapang ito ay maaring hindi ang mga eksaktong salita na napag usapan namin, ngunit ang tunay na diwa ay nakasulat parin sa ibaba…):

Alien: How long have you been here in the Philippines?

Kian: Wat? Me?

Alien: Yeah, you, how long have you been here in the Philippines?

Kian: Ah, Ser, ay was born hir in da pilipins, aym a Pilipino ser.

Alien: Oooo, I see. Well, i came from Canada, I came all the way here to meet my hubby again ang do drill dance…

Kian: Dril dans?

Alien: Yeah drill dance!

Kian: Wat das dril dans supows tu min ser?

Alien: C’mon boy, i knew you know what i mean!

Kian: Ok… ay get it naw…

Alien: Hohoho, you know what, i met her in IRC, and we first do the drill dance in hongkong! she works there at that time, so i got there and do her. hoho.

Kian: uhuh… (walang masabi sa kadaldalan ng kumag)

Alien: But now that she’s here, i’m gonna meet her parents.

Kian: (nag isip ng sasabihin) Gud por yu! Wel, wer ar yu steying naw?

Alien: I rented a condominium in (d ko maalala).

Kian: end antil wen ar yu gowing to stey hir?

Alien: Until February 20 i guess…

Kian: ah so yu hab a lat op taym to do da dans huh?

Alien: Haha! Yah you bet… Whats your name again?

Kian: aym Kian ser…

Alien: What? Kiyon? Well nice meeting you boy! im (nakalimutan ko pangalan)

Kian: Nays miting yu tu ser.

Alien: Blah blah blah!! harhar!! blah blah blah!

di ko na maalala ang ibang sinabi, One Piece na kasi eh. nanuod ako ng TV… hehe. Pag sapit namin sa SM Bacoor, nag paalam na siya… at take note, di lang sakin, kundi sa buong bus… haha

Alien: Bye,… uhh… Kiyon! I think this is the place that she told me to get off… Bye EVERYONE!

Kian: Gud lak on da dans ser, tek ker!

Alien: HOHOHO!

Pasaheros: hihi… giggle… hihi…

Nagtawanan ba ang mga katabi naming pasahero sa sinabi ko? Pag baba ng Alien, kinausap ako ng isa pang mama,

Manong: hoho. kanina pa daldal ng daldal yung kanong yun, yung katabi nun kanina bago ka sumakay dinaldal din. hoho

Kian: hehe…

Nakahinga ako ng maluwag at natuwa dahil pwede na ulit akong mag tagalog… phew… nakaraos din…

Moral Lesson:

"Balentayms is nir! Lets hag our belabed wans! end do da dril dans!"-Kian the Menace

Kian and the Driver From Hell

February 5th, 2007 by pokemonstriker

Siguro of all the post that I created dito sa blog ko, ito lang ang seryoso… walang halong kalokohan…

Isang wala halos na tulog na gabi ang lumipas, ang tulog ko lang yata ay from 11pm to 12mn, then from 12 di na ko nakatulog dahil sa kasisisi sa sarili ko… ang resulta, para akong zombie. 4:30 am, I decided na bumangon na, kahit wala sa mood, naligo ako, at nag ayos para pumasok… Naglakad ako papuntang sakayan ng tricycle, wala parin ako sa sarili ko parang zombie parin, lumulutang ang isip ko. then a few minutes later, nakasakay na ko ng tricycle, then bumaba ng tricycle, then sumakay na ako ng bus. I still had the sadness, wala parin ako sa sarii ko. Then I said to my self, "This day is so perfect to die…", Tapos, umandar na ang bus, at ang nagpapandar ng bus ay ang Driver From Hell…

Nagulat ako sa mabilis na acceleration ng bus, napakabilis talaga! naisip ko tuloy yung inisip ko kanina na "…perfect day to die". Natakot ako, d ko inaasahang ganun ang mangyayari… Oh, God, ayaw ko pang mamatay… Humawak ako ng mahigpit sa hawakan… at di pa nakaka ahon ang bus namin sa Aguinaldo Highway, habang mabilis parin ang takbo ng bus, bumangga ang sinasakyan kong bus sa isa pang bus… CRASH! Di ko makalimutan ang sensation na naramdaman ko. Nadala ang katawan ko pa forward sa lakas ng impact… narinig ko ang mga sigaw ng mga pasahero… nagliparan ang maraming bubog sa bus…

Mabuti nalang at hindi ako sa bandang unahan naupo, kasi yung mga naupo dun ay naparaming sugat dahil sa basag na salamin…

Actually, this is the second time na nakaranas ako ng bus accident. yung accident na una ay binigyan ako ng minor cuts sa arms… At yung unang experience ko na yun ay talaga namang na trauma ako. natakot akong bumiyahe nun. almost 4 days akong takot na takot bumiyahe…

Sinwerte lang ako ngayon, mejo masakit lang yung chest ko kasi tumama sa harapang upuan, pero I’m OK, i knew it… siguro dahil i expected na mangyayari yun, kaya i braced my self for the collission(tama ba spelling?), kaya di ako masyadong nasaktan… Lumipat nalang ako ng bus na sinasakyan…

Ngayon, na realize ko na karma ko ito, karma sa mga nagawa kong pagkakamali… Ngayon ko napatunayan yung katagang "Be careful on what you wish for, cause you might get it…" Bakit ko nga ba sinabi na gusto ko nang mamatay?

God I’m so sorry… I learned my lessons na… I’ll never think or say those kinds of words again… Salamat po sa panibagong buhay…

Sino ang First Crush mo?

January 30th, 2007 by pokemonstriker

There was a story that i want to share, dahil kating kati nanaman ako, gusto ko na ulit mg post dito… It’s a story about "My First Crush", nyaks, parang autograph book!

I had my very first crush when i was in elementary, Grade 4 to be exact. Her name was Jenna del Rosario. hihi. si jenna ay mabait, magka height kami, matalino, at siyempre, beautiful. But unfortunately, ako ay bata at tanga pa noon, di pa ako marunong mag express ng feeling ko towards the opposite sex, siyempre, bata pa nga kasi…

Dahil crush na crush ko siya, gustong gusto ko pag siya ang nagchechek ng papel ko, kasi lagi siyang naglalagay ng "CHECKED BY: JdRosario(Pirma to)" parang instant autograph! hehe. kahit 0 ang score ko, basta siya ang magcheck masayang masaya ako. Ganun ako kababaw. Naalala ko din nun nung tinitignan ni Tita Lyn ko yung Class picture namin, tinanong niya sakin kung sino ang pinaka maganda dun sa class namin, siyempre, tinuro ko yung crush ko. siya ay sumagot: "anu ka ba? mas maganda to o!" tinuro niya si Katrina. Pambihira, sumama ang loob ko, tinanong pa niya ko eh siya din pala ang mamimili kung sino ang pinakamaganda? hehe…

Ang masakit lamang sa alaalang ito ay si Jenna ay may ka loveteam sa classroom, si Paul (di ko maalala surname ng kumag). Lagi silang tinutukso sa classrum, "Uyy, bagay na bagay sila…", "O Paul, kelan mo ba liligawan tong si jenna?", at siyempre… ako naman ay selos na selos. hehe.

Lumipas ang maraming araw, dumating ang time na malapit na ang Christmas party, siyempre exchange gift nanaman! nakakaexcite! At kabilin bilinan ng teacher namin na wag sasabihin kung sino ang iyong nabunot… Ngunit isang chismis ang nagpapalakpak sa tenga ko! Ang nabunot daw ni Jenna ay ang pangalan ko! WOW! excited na excited na talaga akong mag exchange gift! Lumipas ang maraming araw, sumapit ang exchange gift, at tinawag na sa wakas ang pangalan ko… At ako ay nadismaya… ang nakabunot pala sakin ay si Sarah Caguiat… at ang nakuha ko ay ruler set na pwede kang gumawa ng ibat ibang hugis. Sarap itapon. Napakalungkot talaga. At lalo pa akong nalungkot ng nakita ko kung sino ang nabunot ni Jenna, si Paul pala, at ang regalo nya sa kanya ay isang picture frame na may picture pa ni Jenna. Holly crap. Basag ang puso ko…

Natapos na ang Grade 4, siyempre ang susunod sa 4 ay 5, kaya Grade 5 na ko. Klasmeyt parin kami ni Jenna, at klassmeyt parin namin ang paul(dammit). Ganun parin, masaya parin ako pag siya ang nagchecheck ng test paper ko, masaya ako pag kinukurot niya ko.

Lalo pang sumaya nang maging magka service kami, pag uwian palagi siyang nagpapabili sakin ng frostie! Naalala ko pa nun ang gusto niya ay yung color red, at syempre, ako naman ay uto uto, bili naman ako.

At sa wakas, sumapit din sakin ang liwanag ng buhay, ito ay nangyari nang mag field trip kami. Pumunta kami sa bahay ni Rizal, pagawaan ng Coke, at ang higlights ay sa Botanical Garden sa UP Los BaƱos…

Ang Botanical Garden na yun ay isang mahabang pathway na pababa, parang gubat ang lugar, at pag narating mo ang dulo ay may water falls. Bumaba kami dun ng mga klasmeyt ko(di ko na ikukwento ang mga nangyari dun kasi d ko maalala), at mya mya ay umakyat ulit kami. nakakapagod. Pagdating namin sa taas, nakita ko si Jenna, nagiisa, at sabi nya sakin, gusto daw niyang bumaba at makita yung falls kaso wala siyang kasama.

Sinamahan ko siya, exciting! iniwan ko ang mga kolokoy at sinamahan ko ang crush ko. dahil pababa ang daan, humawak siya sa kamay ko… o my, this is heaven… naalala ko pa ang sabi niya, "Juggernaut wag mo kong bibitawan ha?" JUGGERNAUT? ang liit liit ko juggernaut? anyways, bumaba kami sa kahabaan ng pathway, holding hands… *giggle*, masayang masaya talaga ako nun! hanggang sa paakyat, hawak kamay parin, hihi.

Pag dating namin sa bus, tanung ng tanong yung mga kasama ko, "san ka ba galing? pumunta kami sa Philippine Eagle Exhibit! Di mo nakita yung mga eagle!" Hehe. inyo na yang mga Eagle na yan. pakialam ko jan. At mya mya pa, sumakay si Jenna sa bus at ng thank you… "Thank you Roel!" (Roel ang tawag sakin sa skul nung elementary), sabay flying kiss! OMG. ang saya talaga.

Mya mya pa ay kinausap ako ni Claudette, isang classmate, at sinabi niya na nakita daw niya kami kanina na magka holding hands. hehe.

Anu na kaya ang nangyari sa kanya? nung grade 6 kasi lumipat na siya ng skul. hay, huli ko siyang nakausap nung 1st year college, uso pa nun yung "drop call" (drop call yung tawag na wala pang 5 seconds, then ibababa mo agad para hindi mabawasan ng load mo), at ang sabi ba naman sakin "Ah, kaw si Kristian, yung MALIIT!" nang inis pa. sinagot ko siya ng "nagsalita ang matangkad." hehe. mula nun, wala na akong balita sa kanya, umalis na daw siya papuntang ibang bansa… hehe. at dito na nagtatapos ang kwento, maikling kwento na galing sa aking maHABAGdamdaming buhay.

Moral Lesson:

"45 minutes na halos akong nag iisip ng moral lesson sa post na ito. Wala akong maisip. Marahil dahil walang fried rice sa cafeteria, hindi ako nag almusal, o di kaya naman ay wala akong isip." -Kian the Menace

Kian: The Privacy Invader!

January 24th, 2007 by pokemonstriker

Well, sa totoo lang, ayokong ikwento ang mga sumusunod na talata. Subalit ako’y kating kati na, gusto ko na ulit mag type eh! kaya eto, game na…

I have a confession, i have this kind of instinct na whenever there is someone beside me on a bus, tricycle, or where ever it is, na nagtetext, palagi kong nababasa ang mga pinaguusapan nila… And i promise, di ko sinasadya yun(minsan lang).

Alam ko naman na mali yun, pero every time na may nagtetext na katabi ko, palagi nalang nasa line of vision ko yung screen ng cellphone nya, and that results to the title of this blog… I invade the privacy of my victim… Oh My God…

Let me share to you some examples that i remember… There was a nursing student sitting beside me, nagtetext siya, at ang tinype niya:

"sweety, nakasakay na ko ng bus, hintayin mo ko sa skul, san ka na?"

Message Sent!

Makalipas ang ilang sandali, nag reply ang katext niya, i assume na boyfriend nya yun, kaso sa kasamaang palad, sobrang haba ng text ng bf niya, at hindi ko nabasa… mabilis na nag reply ang nursing student:

"T#NGIN# MO"

Haha, anu kaya ang sinabi ng bf niya at napamura yung nursing student? then, tinago na niya ang cp niya at hindi na pinansin ang tunog ng tunog nyang cp… kawawang bf.

Ang susunod naman ay sa isang matandang lalaki. tumunog ang kanyang cp, ang nakalagay:

"Papu, bumili ka ng litsong manok para sa birthday si (d ko maalala pangalan), san ka na ba?"

Mabilis na nagreply si manong:

"Wala na kong kwarta, naubos na ng mamu mo! bumili ng blender. imus na ko."

Kawawang birthday celebrant… walang litsong manok… Bwisit kasi si mamu…

Ang susunod naman ay tungkol sa isang babae, naka formal at may dalang mga credentials(o credencials? o credensials? anu ba spelling? hehe)… nag text siya:

"Mam Mira, baka naman po pwedeng bukas nalang ako magreport sa office nyo po, hapon na kasi baka hindi na ko umabot…"

Mabilis na nagreply si mam mira:

"Hindi pwede kasi hanggang ngayon nalang ang call time for secretary applicants…"

Nagreply ulit ang babae:

"Mam, Please po… give me a slot for an interview tomoro."

At nagreply muli si mam mira:

"Apply ka nalang next year…"

Hehe, pinindot ng babae ang reply, ang tagal niyang nag isip ng irereply. pero kinancel niya at itinago na ang cellphone niya sa bag…

Madami pa kong nabasa na mga text messages… kaso di ko na maalala yung iba, at yung iba naman eh walang kwenta, naguusap lang. tinatamad akong ikwento…

Sa mga oras na to, alam ko ang iniisip mo, "NAPAKACHISMOSO MO KIAN! MALI YANG GINAGAWA MO! HAYUP KA!" well, kung yan ang iniisip mo, thank you… di ko naman sinasadyang mabasa. ewan ko ba, lagi akong na cucurious pag ganun. pero, di ko naman ginagawa to sa mga kakilala ko, sa mga di ko lang kilala… chaka alam ko naman na mali talaga yun. paki sapok nalang ako kung yan ang ikasisiya mo…

Kaya naman pag ako ang nagtetext, i always see to it na walang matang naka tingin. nagtetext ako habang nasa loob ng bag ko ang aking cellphone… "Galit ang magnanakaw, sa kapwa magnanakaw"

PUBLIC WARNING!!!!

Kung nakasakay at nakatabi nyo ang lalaking nasa picture sa upper left ng screen na ito, mag ingat, wag magtext… YOUR PRIVACY IS IN GREAT RISK! Inirerekomenda ng kinauukulan na bumaba ka nalang sa bus na yun para masaya.

Moral Lesson:

"Don’t do unto others, what you don’t want to do unto you… ARAY! SAPUL AKO!" -Kian the Menace

Kian and the Bomb Scare Hoax!

January 22nd, 2007 by pokemonstriker

Last week, just an ordinary afternoon, sumakay ako ng bus pauwi, sinwerte ako kasi ang dumaan na bus ay pa tagaytay, kasi pag tagaytay ang nasakyan mo, maluwag at makakaupo ka. Nakaupo ako sa tabi ng bintana, sa upuang pantatluhan…

Pagdating sa Baclaran may sumakay na lalaki, tumabi siya sa tabi ko, siya ay mejo maitim, matangkad, at ang kapal ng balbas… ang pumasok agad sa isip ko "Di kaya terorista to?", at lalo akong nakumbinsi na terorista nga ito dahil may bag siya na kanyang kinalong, at mukhang mabigat ang dala dala niya. Holy Moly! Naisip ko agad, baka suicide bomber to! nanay ko po.

Mabilis na lumipas ang oras at nawala sa isip ko ang takot sa katabi kong mukhang terorist. Ngunit isang nakapanghihilakbot na tunog ang nagpatayo sa aking balahibo!

"TUUUUUUT TUUUUUUT"

OMG, nanggagaling ang tunog sa bag niya, pero hindi ko pinansin at nagkunwaring cool na cool parin sa pagkakaupo… at mya mya pa…

"TUUUT TUUUT TUUUT"

Bumibilis ang pag tunog! Parang yung bomba sa Counter Strike! inisip ko na cellphone lang yun, pero hindi eh! It doesn’t sound like a monotone or a polytone! kakaiba talaga yung tunog! at mya mya pa…

"TUT TUT TUT TUT TUT"

Sa mga oras na yun, nanlamig ako, kinilabutan, at kung anu anu na ang pumapasok sa isip ko:

"Huhu, gusto kong lumipad at butasin yung bubong…"

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"bakit ba ko nakasakay pa dito…"

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"Kung sasabog to at mabuhay ako, anu kaya magiging itsura ko? OH GOD!"

"TUT TUT TUT TUT TUT"

"Diyos ko, ang dami ko pang gustong gawin at maranasan sa buhay…"

"TOOOOOOOOOOOOOOOT!"

BOOOM! <—– (Joke lang, hehe)

KInausap ang terorista ng isa pa niyang katabi, at sinabi nito na kanina pa may tumutunog sa bag niya.

Naalimpungatan ang terorista, at binuksan ang bag… At ako ay muling nagulantang sa aking nakita… Isang hugis tandang na alarm clock ang kanyang inilabas, at inoff ang alarm.

Terorista: Nag set ako ng alarm para magising ako pag nakatulog ako dito sa bus. di rin pala ko magigising… hohoho.

Kian: Putragis ka, Hayup ka, paking shit, muntik na kong mapa ihi sa takot! sarap mong hagisan ng pla pla! (sa isip lang)

Nakahinga ako ng maluwag… Kakaibang experience talaga… Ganun pala ang feeling pag akala mo may sasabog, gusto kong kumawala dun sa kinauupuan ko pero d ako makaalis, i feel so helpless… nakakatakot talaga…

Moral Lesson:

"Pag makapal na ang iyong balbas, paki ahit nalang, para hindi na makapag sanhi ng takot sa ibang tao…" -Kian the Menace